INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte na madaliin ang panukalang batas na nagpapataw ng buwis sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs).
Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, pina-certify urgent ng pangulo ang panukalang Act Taxing Philippine Offshore Gaming Operations.
Sinabi pa ni Roque na hindi lamang kita ang habol ng gobyerno sa mga POGO at sa halip ay mabantayan ng mabuti ang kanilang operasyon.
Matatandaang karamihang mga POGO na pinapatakbo ng mga Chinese ay hindi nakapagbayad ng tamang buwis sa gobyerno mula pa noong 2019 base na rin kay Senator Pia Cayetano ang chairperson ng Senate Committee on Ways and Means. (Vanz Fernandez)
The post After 5 years! POGO pinagbabayad na ng tax ni Duterte appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: