Facebook

One-time P20K cash aid sa ECC pensioners ibibigay na

SISIMULAN na ng Employees Compensation Commission (ECC) ang pamamahagi ng one-time P20,000 financial aid sa kanilang pensioners ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III, ang tulong-pinansiyal ay ipapasok ng SSS at GSIS sa kanya-kanyang account ng tinatayang halos EC 32,000 pensioners.

Paliwanag naman ni ECC Executive Dir. Stella Zipagan-Banawis, hindi na kinakailangan pang mag-apply sa cash aid ng kanilang pensioners dahil isasailalim ito sa proseso tulad sa kanilang pensyon.

“EC pensioners in the private sector with at least one month of permanent partial disability (PPD), permanent total disability (PTD), or survivorship pension from January 1, 2020, to May 31, 2021, will benefit from the one-time financial assistance,” sabi ni Banawis.

Noong nakaraang Abril, inilabas ng Malakanyang ang AO No. 39 na nagbibigay ng one-time financial aid sa EC pensioners at private at public sectors at ito ang mga may permanent partial disability (PPD) o permanent total disability (PTD).

Sakali namang namatay na ang pensioner sa pagitan ng January 1, 2020 hanggang nitong Mayo 31, ang P20,000 ay ibibigay sa kanyang benepisyaryo.

The post One-time P20K cash aid sa ECC pensioners ibibigay na appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
One-time P20K cash aid sa ECC pensioners ibibigay na One-time P20K cash aid sa ECC pensioners ibibigay na Reviewed by misfitgympal on Hunyo 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.