Facebook

Manager ng security agency, patay sa ambush

Nasawi ang 37 anyos na manager ng isang security agency nang pagbabarilin habang sakay ng kanyang sasakyan Huwebes ng gabi sa Purok 5, Intake, Barangay Mabuhay, General Santos City.

Kinilala ang nasawi na si Demar Santos, manager ng Global Dynamic Security Agency, at residente ng Purok Kaunlaran, Barangay San Isidro ng lungsod.

Sa ulat, 6:00 ng gabi habang minamaneho ng biktima ang Strada pick-up at binabaybay ang nasabing lugar nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin na agad nitong ikinamatay.

Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan sa krimen ang naganap na pagpatay sa kasama ng biktima na si Yentez Quintoy noong Hunyo 4, 2021 na kung saan nahuli ang salarin na si Ralph Sorabia alyas Raprap, 27, ng Waling Wa­ling Sagun Vincenzo, Zamboanga del Norte.

Napag-alam na nabulgar na may milyon anomalya nagaganap sa nasabing ahensiya kung saan unang pinatay si Yentez Quintoy.

The post Manager ng security agency, patay sa ambush appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Manager ng security agency, patay sa ambush Manager ng security agency, patay sa ambush Reviewed by misfitgympal on Hunyo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.