Facebook

Todo na ang gobierno kontra teroristang NPA

ITINODO na ng gobierno sa pamamagitan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) ang kampanya laban sa New People’s Army (NPA) na napapabilang na sa terrorist groups.

Ito ang inanunsyo ni Presidential Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. na siya ring Chairman ng NTF-ELCAC sa National Press Club ‘Meet the Press’ weekly forum via Zoom nitong Biyernes ng umaga.

Ayon kay Esperon, isang retired Philippine Army general, 60 percent ng Army ay naka-deploy ngayon sa Mindanao dahil dito rin maraming NPA, kungsaan 80 percent ng mga miyembro ay IPs (indigenous people) na mga hindi nakapag-aral kaya nauto ng mga NPA sumanib sa kanila.

Kaya ang ginagawa, aniya, ng gobierno ngayon ay nagpatayo na ng mga eskuelahan sa mga liblib na barangay para magkaroon ng maayos na edukasyon sa lugar.

Nauna nang inanunsyo ni NTF-ELCAC Spokesperson Lorraine Baduy na binuhusan ng task force ng mga prog-rama ang mga erya na dating pinamumugaran ng mga NPA. Nilagyan ng kuryente, kalsada at paaralan. Nagbigay din sila ng livelihood sa IPs para hindi na mabola ng komu-nistang NPA.

Ang NTF-ELCAC ay mayroong P19 billion na pondo, P16 billion dito ay para sa development ng mga barangay na dating kontrolado ng mga rebelde, para wakasan ang komunistang NPA.

Sa insidente ng pagsabog sa Purok 4, Barangay Anas, Masbate City nitong nakaraang Hunyo 6, na ikinasawi ng 21-anyos na football player ng FEU na si Kieth Absalon at kanyang pinsan na si Nolven at ikinasugat ng isa pa habang sila’y nagbibiseklita sa 6:45 ng umaga, sinabi ni 9th ID Commander, Brig. General Henry Robinson, na karumal-dumal ang ginawa sa magpinsan. Dahil matapos ma-sabugan ay binaril pa ito sa mukha.

Si Keith ay may tama ng bala malapit sa mata at ang bangkay nito ay nakataas ang dalawang kamay.

Ang insidente ay inamin ng CPP-NPA. Humingi ito ng apology sa pamilya Absalon at sa taongbayan. Magbibi-gay daw sila ng indemity o bayad-pinsala sa nangyaring pagsabog ng bomba na itinanim nila sa gilid ng kalsada. (Ang bomba ay para sana siguro sa mga pulisya at militar na dumadaan sa lugar).

Plano ngayon ng gobierno ng Pilipinas na hilingin sa Dutch government na ibigay o isuko sa Pilipinas ang founder ng CPP-NPA-NDF na si Joma Sison na nagtatago sa Netherlands.

Sa kabilang banda, kinumpirma ni 9th ID PA Spokesman Capt. Belleza na ang 3 napatay nilang NPA sa operasyon sa lugar ng pagsabog ng bomba ay kabilang sa grupong nagtanim ng pampasabog sa gilid ng kalye. Ang mga ito, aniya, ay tao ni Kumander Asero alyas “Star” na siyang nag-o-operate sa Masbate City. Kinilala raw ito ng kanilang mga kasamahan na sumuko noon sa gobierno.

Sa kabila ng sunud-sunod na mga pagsabog sa Masbate, sinabi ni Capt. Belleza na hindi naman ganun kalakas ang NPA sa lugar. Gumagawa lang daw ang mga ito ng ingay para masabing marami at malakas parin sila.

Ayon naman kay Sec. Esperon, ang ginagawa ngayong pambobomba ng NPA ay paraan nila para pumayag ang gobierno na bumalik sa negotiating table, peacetalk.

“No way!”, diin ni Esperon. “Style nila ‘yan eh. Pag mahina na sila hihirit ng peacetalk. Wakasan na natin ang grupong ito.” Period!

The post Todo na ang gobierno kontra teroristang NPA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Todo na ang gobierno kontra teroristang NPA Todo na ang gobierno kontra teroristang NPA Reviewed by misfitgympal on Hunyo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.