Facebook

Sixers vs Hawks sa 2nd round ng NBA Eastern Conference playoffs

UMUSAD na sa semifinals ng NBA Eastern Conference playoffs ang Philadelphia 76ers matapos na ibaon ang Washington Wizards, 129-112, sa Game 5 kahapon sa Wells Fargo Center.

Nasungkit ng number 1-seeded Sizers ang 4-1 standing sa series kahit pa hindi nakapaglaro ang kanilang star center na si Joel Embiid kahapon.

Kumamada si Seth Curry ng 30 points at nagdagdag naman ng 28 points si Tobias Harris para pangunahan ang opensiba ng Philadelphia.

Nagposte ng triple-double na 19 points, 10 rebounds at 11 assists si Ben Simmons.
Hindi umubra sa Philadelphia ang 32 points na natipon ni Bradley Beal ng Washington.

Sa iba pang laro, Kumamada ng 36 points at siyam na assists si Trae Young para pangunahan ang panalo ng Atlanta Hawks kontra New York Knicks (103-89), para masungit ang kanilang first round playoff series.

Dahil sa panalong ito, pasok na sa second round ang Hawks, kung saan makakaharap nila ang Philadelphia 76ers.

Bukod kay Young, tatlong iba pang Hawks ang nagtapos na mayroong bitbit na double figure score sa kanilang panalo.

Si De’Andre Hunter ay tumipa ng 15, may double-double na 14 points at 15 rebounds siCapela ay nagdagdag naman ng 13 si John Collins para sa Atlanta.

The post Sixers vs Hawks sa 2nd round ng NBA Eastern Conference playoffs appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sixers vs Hawks sa 2nd round ng NBA Eastern Conference playoffs Sixers vs Hawks sa 2nd round ng NBA Eastern Conference playoffs Reviewed by misfitgympal on Hunyo 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.