Facebook

VICE MAYOR SA YUSON MURDER TIMBOG!

NADAKIP na ang vice mayor ng Batuan, Masbate na isa sa pitong akusado sa pagpatay kay Vice Mayor Charlie Yuson III sa Mercedes, Camarines Norte.

Ang naaresto ay si Nelson Refermoso Cambaya, 58 anyos, vice mayor ng Batuan, at residente ng Purok 2, Barangay Danao.

Ayon sa ulat, 5:00 ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na mga elemento ng Mercedes MPS, 1st CNPMFC, CNPIU, 503rd MARPSTA, at CIDT sa Bgy. Quinapagian, Mercedes nang matunton ang pinagtataguan ni Cambaya sa pakikipagtulungan ng Barangay Intelligence Network (BIN).

Inaresto si Cambaya sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC National Capital Judicial Region, Branch 42, Manila noong April 26, 2021 sa kasong Frustrated murder sa ilalim ng CC# R-MNL-21-02574-CR na may piyansang P200,000.00; at Murder sa ilalim ng CC# R-MNL-21-02573-CR na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Magugunita na pinagbabaril at napatay si Yuson at pagkakasugat ng 2 kasamahan nito na sina Wilfredo Pineda at Alberto Alforte ng mga armadong lalaki na sakay sa isang kulay gray na van habang nag-aalmusal sa tapat ng isang bahay sa Vicente Cruz St., Sampaloc Maynila noong Oct 9, 2019.

Kabilang sa mga akusado sina Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam, anak na si Marco Martin Cam, Junel Gomez, Bradford Solis, Juanito de Luna at Rigor dela Cruz.

Si Cam, kaalyado ni Pagulong Rody Duterte, ay naka-hospital arrest sa ‘di pinangalanang ospital.

Si Cambaya ay nakakulong ngayon sa Mercedez Police Station at nakatakdang iharap sa korte na nagpalabas ng warrant of arrest.(Mark Obleada)

The post VICE MAYOR SA YUSON MURDER TIMBOG! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
VICE MAYOR SA YUSON MURDER TIMBOG! VICE MAYOR SA YUSON MURDER TIMBOG! Reviewed by misfitgympal on Hunyo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.