Facebook

‘Murder’ vs 7 pulis sa pag-ambush sa mayor ng Calbayog City

NASA kostudiya na ng Philippine National Police ang pitong pulis na sangkot sa pag-ambush-patay kay Calbayog City Mayor Ronald Aquino.

Ang pitong pulis ay sina Lt. Col. Harry Sucayre, Maj. Shyrile Tan, Capt. Dino Goles, Lt. Julio Armeza Jr., Senior Sgt. Neil Cebu, Senior Sgt. Edsel Omega at Patrolman Nino Salem.

Ayon kay PNP Chief, General Guillermo Eleazar, ilalagay sa restrictive custody ang pito sa Integrity Monitoring and Enforcement Group and Police Regional Office sa Eastern Visayas habang dinidinig ang krimen.

Ihaharap aniya ang pito sa imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).
Una rito, sinampahan ng kasong murder at frustrated murder ng NBI ang pitong pulis sa Department of Justice (DoJ).

Isang welcome development, aniya, sa hanay ng PNP ang pagsasampa ng kaso ng NBI sa DOJ.

Nakalulungkot, aniya, na nasangkot sa pagpatay ang pitong pulis kay Mayor Aquino pero hindi maaring panghinaan ng loob dahil kailangang ituloy ang “cleansing” sa mga bugok na pulis.

Dalawampu’t isang beses na pinagbabaril si Aquino sa Bgy. Lonoy, Calbayog noong Marso 8, 2021.

Bukod kay Aquino, patay din ang limang kasamahan nito.

The post ‘Murder’ vs 7 pulis sa pag-ambush sa mayor ng Calbayog City appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Murder’ vs 7 pulis sa pag-ambush sa mayor ng Calbayog City ‘Murder’ vs 7 pulis sa pag-ambush sa mayor ng Calbayog City Reviewed by misfitgympal on Hunyo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.