Facebook

3 durugista patay sa engkuentro; P68m shabu nasamsam

TODAS ang tatlong drug personalities at nasamsam ang 10 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P 68 million sa buy bust operation sa Cebu City.

Kinilala ang isa sa tatlong nasawing durugista sa alias na “Levon”, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawa pang napatay.

Ayon kay PNP Chief, Genetal Guillermo Eleazar, 9:00 ng gabi nang magsagawa ng operasyon ang pinagsanib na mga elemento ng PNP Drug Enforcement Group Special Operation Unit 7, Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 7, Cebu City Police Office, at Highway Patrol Group 7 sa Barangay Campo 4, Cebu City.

Tumakas ang mga durugista sakay sa isang itim na Toyota Vios nang makatunog na pulis ang kanilang nakatransakyon. Hinabol ang mga ito ng mga operatiba.

Nang makorner ng mga otoridad ang mga durugista pagsapit sa Bgy. Tap-Tap, nakipagputukan ang mga ito sa mga operatiba, dahilan ng kanilang pagkasawi.

Nakuha ng mga otoridad sa tatlo ang 10 malaking pakete na naglalaman ng 10 kilos ng shabu, 1 itim na traveling bag, 1 M16 rifle, 1 caliber .45, 1 cal. 38 revolver at Toyota Vios.(Mark Obleada)

The post 3 durugista patay sa engkuentro; P68m shabu nasamsam appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 durugista patay sa engkuentro; P68m shabu nasamsam 3 durugista patay sa engkuentro; P68m shabu nasamsam Reviewed by misfitgympal on Hunyo 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.