Facebook

4 sa 2020!

ISANG gold, dalawang silver at isang bronze. Yan nakuha natin sa 2020 Tokyo Olympics na ngayong 2021 na ginanap dahil sa pandemya. Mabuhay lahat ng ating mga atleta sa palaro. Gayon din sa lahat ng mga opisyal at iba pa na umalalay sa ating mga manlalaro. Pinakamatagumpay natin sa kasaysayan.

Hidilyn Diaz para sa kauna-unahang ginto ng Pilipinas. Dinagdagan pa ng dalawang pilak nina Nesthy Petecio at Carlo Paalam pati tanso ni Eumir Marcial sa boksing. Deserving sila sa mga papremyo mula sa gobyerno at mga pribadong kumpanya.

Nawa’y matanggap nila lahat ang biyaya hindi katulad ng sinapit ni Onyok Velasco noong 1996,

Sana hindi na rin maulit ang mga nangyaring hindi maganda kina Diaz at Marcial nang ihayag nila ang kakulangan ng suporta ng pamahalaan at kanilang mga asosasyon sa sports.

Hindi ba isang balik sa Zamboanguena ay isinali siya sa matrix ng Palasyo noong 2019. Ito raw ang diumano’y hinggil sa oust- Duterte plot. Pinabulaanan naman agad ito ni Hidilyn. Pampagulo lang sa kanyang isip at distraction sa training, di ba?

“Let bygones be bygones,” wika ng mataas na pinuno Kasi magimbestiga muna nang mabuti bago mag-akusa sa publiko.

Nakakahiya ito. Mabuti at hindi dinibdib ni Diaz ang paratang.

Si Marcial naman nabatikos sa social media tungkol sa kanyang pahayag na kapos ang ayuda sa kanya ng mga taga-gobyerno.

Nagtuturuan naman ang ABAP at PSC hinggil sa usaping ito.

Pero malinaw na kaya ng Pinoy manalo sa anumang Olympiada. Basta’t may sapat na moral at financial support mula sa mga kinuukulan. Idagdag pa dito ang sapat na aruga dahil sa pandemya.

Siyempre hindi rin mawawala dapat ang taimtim na dalangin sa Poong Maykapal ng mga mamamayan.

***

Heto pa ilang obserbasyon ng mga barkadahan sa pondahan ni Aling Barang.

Ayon kay Tata Selo ay unang father and son tandem natin na may medalya ay sina Jose Villanueva na naka-bronze noong1932 sa Los Angeles at anak na si Anthony na naka-silver sa Tokyo taong 1964.

Gayon din daw na unang magkapatid naman na pares natin ay sina Roel Velasco naka-tanso sa 1992 Barcelona at utol niyang si Onyok na naka-pilak sa 1996 Atlanta.

Para naman sa may-ari ng tindahan na Marian devotee ay labis siyang natuwa na isang sikreto pala ni Hidilyn ay ang Miraculous Medal of Our Lady of Graces na sinusuot parati ng ating gold medalist. Sana raw all.

***

Abangan sa Sabado ang Boomers Banquet. All about the Olympics tayo. Facebook Live at YouTube. Tune na simula 10 AM

The post 4 sa 2020! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
4 sa 2020! 4 sa 2020! Reviewed by misfitgympal on Agosto 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.