Facebook

Bakit daw tila masaya at nagbubunyi pa ang ilang barangay sa panahon ng ECQ at lockdown?

MARAMING kababayan natin ang nakakapansin sa galaw ng ilang mga barangay natin na tila masaya pa at parang pinagbubunyi pa ang pagkakatakda ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) at lockdown sa National Capital Region (NCR).

Hindi lang daw nila napapansin kundi talagang iba ang kanilang nararamdaman sa kakaibang galak at tuwa kasama na rin ang aksiyong ginagawa ng mga barangay na ito partikular na sa lungsod ng Maynila.

Ganon na lang daw ang pagiging agresibo ng mga ito lalo na sa pagsasara ng mga entrada at lagusan ng nasasakupan nilang lugar.

Ibang klase rin daw ang ginagawang bayanihan ng mga ito lalo na sa pag-bubuhat ng mga mabibigat na kahoy, bakal at semento na gagawin nilang barikada para sa mga taong lalabas at papasok sa kanilang barangay.

Talagang tulong-tulong at sistemado ang bawat galaw na sa isang kumpas lang ng kanilang chairman ay para silang mga taong sinusian o dili kaya’y mga robot na pinapagalaw ng baterya.

Mantakin niyong wala pa sa takdang oras na dapat patupad ang ECQ ay areglado na ang lahat, prenteng naka-istambay na ang mga ito sa kanilang outpost at checkpoint.

Alas dose ng hatinggabi pa sana ng Agosto 6,2021 ang simula ng ECQ nguni’t Agosto 5 pa lang ay inumpisahan na nila ang aktibidad na lubhang naramdaman ng kanilang mga constituent.

Sa kabila ng hirap at pagdurusa ng kanilang mga kabarangay na naka lock-down, hindi makapagtrabaho at nananatiling nasaloob lang bahay, ang mga damuhong ito naman ay libreng-libreng gumagala na mistulang mga hari.

Okay lang daw sana kung talagang may binabantayan silang banta sa seguridad ng bansa nguni’t wala naman itong binabantayang iba kundi mga ka-barangay din nila he… he… he…

Hindi naman natin nilalahat ang mga barangay na ganito ang ginagawang sistema, meron din naman ilan na praktikal at nauunawaan ang kalagayang dinaranas ng kanilang mga constituent.

Dalawang bagay lang daw ang pina-palagay na dahilan kung bakit ganito kalupit ang pamamalakad ng ibang barangay sa panahon ng lockdown. Ang unang dahilan ay malaki ang posibilidad na nakikinabang at may nakukuha silang malaking benepisyo dito at ang isa pang dahilan ay sumusunod lang sila sa agos at sa dikta ng gobyerno.

Ke ano man ang dahilan , ang mahalaga dito ay meron silang sentido-komon at sariling desisyon sa anumang palakad at sistemang gusto nilang pairalin, di po ba?

AYON SA MGA BALITA…

Sa kabila ng pinapatupad na ECQ ng ating gobterno ay lalo pa daw lumolobo ang bilang ng mga active cases ng covid19, 68 porsiyento daw ang tinaas nito sa NCR. Panginoon ko, eh ano na kayaang gagawin at mangyayari sa madlang people, abangan na lang po natin ang susunod na kabanata.

Malaki daw ang nabawas na mga taong namimili sa mga pampublikong palengke, ito ay epekto daw ng ECQ.

Malaking kalokohan ito, wala ng mga taong namamalengke dahil wala na sigurong perang ipapamili ang mga ito at iyan ang epekto ng ECQ, di ba?

***

HAPPY NEVER-ENDING ANNIVERSARY TO POLICE FILES TONITE AND UTMOST CONGRATULATIONS TO ALL THE PEOPLE BEHIND IT PARTICULARLY TO OUR PUBLISHER, EDITOR-IN-CHIEF JOEY VENANCIO, MANAGING EDITOR BECKY RODRIGUEZ AND MANY OTHERS THAT ARE FEW TO MENTION BUT HAVE DONE A BIG PART..THEN AND AGAIN JUST KEEP ON TRUCKIN’, MABUHAY!!!

***

HAPPY HAPPY 42ND BIRTHDAT TO A GOOD FRIEND OF MINE RODRIGO “KISAP” AVECILLA OF BATANGAS ST, TONDO, MANILA. MAY YOU HAVE MANY MANY MORE BIRTHDAYS TO COME, GOD BLESS AT MABUHAY KA!

***

SPECIAL GREETINGS LIKEWISE TO A KIND-HEARTED BUSINESSMAN MR. ROBERT CAY WHO HAVE HELPED A LOT OF JOB-LESS INDIVIDUAL IN TOWN WITH THEIR DAILY LIVING MOST OF ALL IN THIS CRITICAL SEASON OF PANDEMIC IN THE COUNTRY… MORE POWER AT MARAMING SALAMAT PO….

The post Bakit daw tila masaya at nagbubunyi pa ang ilang barangay sa panahon ng ECQ at lockdown? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bakit daw tila masaya at nagbubunyi pa ang ilang barangay sa panahon ng ECQ at lockdown? Bakit daw tila masaya at nagbubunyi pa ang ilang barangay sa panahon ng ECQ at lockdown? Reviewed by misfitgympal on Agosto 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.