Facebook

Bong Go: Hintayin ang desisyon ng pamilya Duterte at PDP-Laban

TUMANGGI si Senador Christopher “Bong’ Go na pangunahan ang plano ng pamilya Duterte pagkatapos na mag-withdraw ng kandidatura sina Davao City Mayor Inday Sara Duterte at Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte.

Sinabi ni Go na ayaw niyang pangunahan si Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanilang partido hinggil sa plano ng mga ito sa halalan.

Ayon kay Go, sa ngayon ay kailangan niyang manindigan para sa mga kababayan at sa PDP-Laban.

Giit ni Go, mahal niya si Pangulong Duterte at malaki ang utang na loob niya dito kaya ayaw niyang bigyan ng sakit ng dibdib nang dahil sa pulitika.

Binigyang diin ni Go na dati na na niyang tiniyak na siya ang “least” sa mga aalalahanin ng pangulo at ng kanyang partido dahil tanging hangad lang naman niya ay magserbisyo.

Nanawagan din si Go na dapat hintayin na lang ang desisyon ng pamilya Duterte at ng kanilang partidong PDP-Laban. (Mylene Alfonso)

The post Bong Go: Hintayin ang desisyon ng pamilya Duterte at PDP-Laban appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: Hintayin ang desisyon ng pamilya Duterte at PDP-Laban Bong Go: Hintayin ang desisyon ng pamilya Duterte at PDP-Laban Reviewed by misfitgympal on Nobyembre 09, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.