Facebook

Beauty feeling best actress kahit talunan  

Ni JOVI LLOZA

SA katatapos lang na MMFF Awards Night, ang pinaka-importanteng parangal sa Best Actor ay nakuha ni Cedrick Juan para sa pelikulang Gomburza.

Pinataob nito ang mga aktor na sina Boyet De Leon  para sa When I Met You In Tokyo, Dingdong Dantes sa Rewind at Piolo Pascual para sa Mallari.

Maraming movigoers ang nag-e expect kina Boyet, Dingdong at Piolo.

Pero mas angat ang aktingan ni Cedrick sa Gomburza.

Ang historic film na nakasama sa MMFF ay nakakuha ng 7 tropeyo, at ang Mallari ay nakakuha ng apat na tropeyo habang ang When I Met You In Tokyo ay tatlong tropeyo kabilang na ang pagtatanghal sa pinakamahusay na aktres or Best Actress sa MMFF 2023 na walang iba kundi ang award-winning actress na si Vilma Santos.

***

SA tindi ng mga kalaban ni Beauty Gonzales sa kategoryang pagka-Best Actess ay hindi na nga umaasa ang kampo ng aktres.

Pero makikita na lumalaban ito sa aktingan sa kanilang film entry sa festival, ang Kampon.

Pinagsama-sama ang mga bating na sa aktingan lalo na at may Vilma Santos, Sharon Cuneta, Marian Rivera, Polwang at Uge.

Pero ipinagmalaki ng faney ang ipinakitang akting ni Beauty sa Kampon ‘yun nga lang matitindi ang kanyang mga kalaban.

Thankful naman ang Kapuso actress at feelingera nga itong wagi na rin kahit di siya ang itinanghal na Best Actress.

Ma-nominate nga lang at maihilera sa mahuhusay na aktres ay okey na si Beauty na ma-nominate sa isang prestihiyosong parangal.

Well well, well… ‘Yun na!

The post Beauty feeling best actress kahit talunan   appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Beauty feeling best actress kahit talunan   Beauty feeling best actress kahit talunan    Reviewed by misfitgympal on Disyembre 28, 2023 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.