
PATAY sa engkwentro ang isang high value target ng pulisya sa ilang minutong habulan at palitan ng putok sa drug bust nitong Lunes ng gabi sa Barangay Tapia, Gen. Trias City, Cavite.
Kinilala ang napatay na si Warlito Sinsay Crisino, nasa hustong gulang, ng Brgy. Pasong Camachille-2, Gen Trias City.
Sa ulat, 8:40 ng gabi nang magkasa ng drug bust ang pinagsanib na puwersa ng PDEA at DEU operatives ng Gen. Trias Police sa ilalim ng ‘Oplan Sacleo’.
Habang isinasagawa ang transaction, nakaramdam si Crisino na pulis ang ka-transact kaya tumakbo patakas ito at nakipagpalitan ng putok sa pulisya.
Umabot ng may ilang minuto ang habulan at palitan ng putok hanggang sa tumimbuwang ang suspek .
Nakuha sa posisyon ni Crisino ang cal. 45 pistol (Armscor Sn. 1313784), 6 sachet ng shabu na 25 gramo, at 1 kotseng Toyota (KEN115). (Irene Gascon)
The post 1 patay sa engkuwentro sa Cavite appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: