Facebook

Apela ni Isko sa meat vendors sa Maynila, sumunod sa ang price ceiling

HINIMOK ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga meat vendors na sumunod sa price ceiling na itinatakda ng pamahalaan at makuntento upang patuloy pa rin silang may mapagkakakitaan sa gitna ng pandemyang nararanasan sa bansa.

Ang pahayag ay ginawa ng alkalde matapos na makatanggap ng ulat na may ilang vendors ang nahihirapang tumalima sa price ceiling at naghahayag ng sarili nilang rason para sa mas mataas na presyo ng kanilang panindang karne.

Seryosong nagbabala si Moreno na mananagot ang sinuman na hindi susunod sa guidelines na ipinatutupad ng pamahalaan.

“Dapat magka-isa ang producer, middleman at vendor. May guidelines na ang national government about the price cap so kailangan sundin or else, me pananagutan kung sinuman ang di susunod,” sabi ni Moreno.

“Dini-diplomasya namin hanggat maari, but we are sure and certain about our rules… if they violate, baka mawalan din sila ng hanapbuhay,” babala pa niya.

Binigyang-diin ng alkalde na ang pangunahing concern ngayon ng city government ay ang kapakanan at interes ng mga consumers o mga mamimili.

“‘Yung mga consumer, namimili araw-araw… umaga, tanghali, hapon.. mahalaga sa akin ‘yun kaya kailangan maproteksyunan din sila,” dagdag pa ni Moreno.

Inihayag pa ni Moreni na kailangan ng local government na balansehin ang lahat at ikonsidera ang kita ng mga producers at ng mga vendors, gayundin ang proteksiyon ng mga mamimili.

Umapela rin siya sa mga vendors na magsakripisyo muna sa gitna ng panahon ng pandemic.

“Konting sakripisyo lang…kumita ka ng konti pasalamat ka na sa Diyos kasi me pandemya..pero para pag-i-interesan mo pa ang dating mong kita dahil nasanay ka sa mas malaki na lumang kita, pwede mo na isantabi muna ‘yun,” apela pa niya.

“Yung wag ka lang malugi, may kita kang konte, malusog ka, ligtas ka, nairaos mo ang pandemya blessing na ‘’yun sa Diyos. Sobra-sobra nang blessing ‘yun sa dami ng nasasakripisyo at naging biktima..madami na sumakabilang buhay,” dagdag pa ng alkalde.

Matatandaang dahil sa mababang suplay ng mga karne ng baboy dahil sa swine flu ay nagtaasan ang presyo ng mga karne ng baboy at manok sa mga pamilihan.

Dahil dito nagpasya ang pamahalaan na magtakda na lamang ng price ceiling.

Bilang pagtutol, nagdeklara naman ang mga vendors ng ‘pork holiday’. (ANDI GARCIA)

The post Apela ni Isko sa meat vendors sa Maynila, sumunod sa ang price ceiling appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Apela ni Isko sa meat vendors sa Maynila, sumunod sa ang price ceiling Apela ni Isko sa meat vendors sa Maynila, sumunod sa ang price ceiling Reviewed by misfitgympal on Pebrero 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.