Facebook

‘Bigtime’ na tulak tinodas sa loob ng bahay

PATAY ang isang bigtime at notoryus na drug pusher nang pagbabarilin ng limang lalaki sa loob ng kanyang bahay sa Pinamungajan, Cebu.
Kinilala ang biktima na si Eddie Lumontad, residente ng Upper Kampo, Pinamungajan.
Sa ulat, pinasok ng mga salarin ang bahay ng biktima at pinagbabaril at kaagad tumakas.
Nabatid na nasa 2nd level drug personality sa drug watchlist si Lumontad na nag-o-operate sa Cebu.
Napag-alaman ding business partner ang biktima ng dating pulis na si Adonis Dumpit na napatay sa buy bust operation sa Bohol.
Nagawa rin makatakas ni Lumontad sa isang buy bust operation kungsaan nadakip ang kasama nitong si Gilbert Lumanog at nakuhanan ng 20 kilos ng shabu sa Lapu Lapu City noong Oct. 21, 2020
Limang beses naring naaresto si Lumontad sa kasong droga pero nakalalaya dahil nadi-dismiss ang kanyang mga kaso. (Mark Obleada)

The post ‘Bigtime’ na tulak tinodas sa loob ng bahay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Bigtime’ na tulak tinodas sa loob ng bahay ‘Bigtime’ na tulak tinodas sa loob ng bahay Reviewed by misfitgympal on Pebrero 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.