Facebook

Covid update: 133 gumaling:12 nasawi; 1,960 bagong kaso

NAKAPAGTALA pa ng 1,960 na bagong kaso ang Covid-19 sa bansa dahilan para umakyat na sa kabuuang bilang na 547,255 ang nagpositibo sa nakamamatay na sakit batay sa case bulletin update ng Department of Health ngayong Sabado, Pebrero 13.
Umabot naman sa 500,781 ang kabuuan ng mga gumagaling matapos makapagtala pa ng bagong 133 recoveries ngayong araw.
Ang mga pumanaw naman ay umakyat na sa 11,507 matapos madagdagan pa ng 12.
Habang ang aktibong mga kaso na kasalukuyang nagpapagaling sa mga ospital at pasilidad ay nasa 34,967 na.
Limang duplicates naman ang inalis sa total case counts kung saan dalawa rito ang recoveries.
Apat naman ang na-itag na recoveries ang na-reclassify bilang deaths matapos ang validation.
Samantala, may tatlong DOH licensed laboratories pa rin na hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa Covid-19 Repository System o CDRS. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

The post Covid update: 133 gumaling:12 nasawi; 1,960 bagong kaso appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Covid update: 133 gumaling:12 nasawi; 1,960 bagong kaso Covid update: 133 gumaling:12 nasawi; 1,960 bagong kaso Reviewed by misfitgympal on Pebrero 13, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.