WALONG tao ang nasugatan nang araruhin ng pampasaherong jeepney ang mga nakahintong motorsiklo sa Recto Avenue corner Masangkay st., Binondo, Maynila nitong Lunes.
Kabilang sa nasugatan ang rider na si Jabilar Candidato, 25 anyos; Brian Figueroa, 42; at kanyang backride na si Jeremy Ablao, 21.
Sa kuha ng CCTV, kita ang pagsalpok ng jeepney na may plakang PXY 513 na minamaneho ni Jofet Esteban Santiago ng Dagupan, Tondo sa mga motorsiklo habang naghihintay na mag- go ang traffic light.
Sa lakas ng impact, tumilapon ang isa sa mga rider at sabay-sabay na nagtumbahan ang mga katabi nito.
Ayon kay Kagawad Joel Sabado ng Bgy. 294, Binondo, mabilis ang takbo ng jeepney driver.
“Nawalan daw po siya ng preno. Lumusot daw po ang preno niya. Pero base sa nakita namin, medyo mabilis yung takbo,” ani Sabado.
Nasa kustodiya na ng Manila Traffic Bureau si Santiago. (Jocelyn Domenden)
The post Mga motorsiklo inararo ng jeep sa Maynila: 8 sugatan! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: