Facebook

Pagtalakay sa economic Cha-Cha aarangkada na sa Peb. 22

SISIMULAN ng Kamara sa susunod na Lunes, Pebrero 22 ang pagtalakay sa plenaryo ng Resolution of Both Houses No. 2 o ang amyenda sa restrictive economic provisions ng 1987 Constitution.
Ayon kay House Committee on Constitutional Amendments Chairman Alfredo Garbin Jr., isasalang na sa debate ang itinutulak na economic charter change.
Inaasahan na rin ng mambabatas na makikipagdebate dito ay mga “protectionist” o iyong mga ayaw pa ring magalaw ang restrictive economic provisions.
Gayunman, umaasa si Garbin na hindi na sila masyadong mahihirapan lalo’t batay sa “manifesto of support” ng super majority ng Kamara ay maraming sumusuporta sa economic Cha-Cha.
Layon ng RBH no. 2 na luwagan ang pamunuhunan at pagmamay-ari ng mga dayuhang negosyante sa bansa maliban sa pagmamay-ari ng lupa sa pamamagitan ng paglalagay ng mga katagang “unless otherwise provided by law”, partikular sa Articles 12, 14 at 16 ng Konstitusyon. (Henry Padilla)

The post Pagtalakay sa economic Cha-Cha aarangkada na sa Peb. 22 appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagtalakay sa economic Cha-Cha aarangkada na sa Peb. 22 Pagtalakay sa economic Cha-Cha aarangkada na sa Peb. 22 Reviewed by misfitgympal on Pebrero 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.