Facebook

PRRD pinamamadali ang COVID-19 vaccines rollout – Bong Go

TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go sa publiko na pinamamadali ni Pangulong Rodrigo Duterte ang proseso sa pagbili ng bakuna laban sa COVID-19.

Sa kanyang pagbisita sa Parola, Tondo, Manila matapos pangunahan ang pamamahagi ng ayuda sa 361 biktima ng sunog, sinabi ni Go na palaging kinakalampag ng Pangulo ang mga kinauukulang opisyal ng pamahalaan para madaliin ang pagbili ng bakuna at maibigay na sa mahihirap.

“Alam n’yo, halos araw-araw po naming pinag-uusapan ni Pangulong Duterte. Halos araw-araw rin naming kinukulit ang ating mga opisyales, Vaccine Czar natin (si Sec. Galvez), Sec. Duque, at lahat ng mga opisyales na bilisan na po ‘yung proseso,” ayon kay Go.

“Itong FDA natin naninigurado lang din po sila. Gusto nila ng safety data dahil inuuna natin po ‘yung safety at efficacy nitong vaccine… Pero sa totoo lang po, ako po’y nananawagan na bilisan na po lahat,” dagdag niya.

“Nasa gobyerno tayo, kung maaari po 24 hours tayong magtrabaho para po dumating na ‘yung bakuna, maaprubahan na ‘yung bakuna, at siguraduhin po na safe at epektibo itong bakuna dahil iyon lang po ang tanging solusyon. Wala na pong ibang solusyon dito sa problemang ito, sa krisis na ito — tanging bakuna lamang po ang solusyon,” idiniin pa ng senador.

Inamin ni Go na nahaharap ang Pilipinas sa mga hamon sa pagbili ng sapat na bakuna dahil na rin sa limitadong supply nito sa buong mundo.

“Mismo si UN (United Nations) Secretary-General si (António) Guterres po mismo ang nagsabi na hindi po equal dahil, unfortunately, medyo mahirap po ang ating bayan, hindi po tayo nakasama doon sa malalaking mga bansa na nabibigyan na po ng mga bakuna. Pero ginagawa naman po ng gobyerno ang lahat para mapabilis,” ani Go.

“Still, I’m urging government po, as a legislator, I’m urging government, bilisan na po natin. Huwag kayong papatay-patay po,” dagdag niya.

Ngunit sinabi ni Go na ang COVAX ay nangako na ng 117,000 Pfizer vaccines at 5.5 million doses mula sa AstraZeneca sa bansa.

Ang COVAX o ang COVID-19 Vaccines Global Access, ay global initiative sa pinangungunahan ng World Health Organization, at iba pang institusyon, para masiguro na sapat ang access sa vaccines para sa mahihirap na bansa.

“Alam n’yo ang COVAX po, nangako sa atin na may darating na 117,000 na Pfizer at saka AstraZeneca na 5.5 million. Ngayon, marami po silang hinihingi sa ating gobyerno tulad nung Indemnification clause, naninigurado sila dahil takot din sila balikan,” saad ni Go.

“‘Di naman siguro nagkulang ang gobyerno, ‘di nagkulang ang mga mambabatas. Marahil kung mas nauna sila, makikita natin ang epekto ng vaccine na ginamit nila, mas mapag-aaralan nating mabuti,” sabi ni Go

“Ako po, wala akong preference. Kung ano po ang epektibo at safe na bakuna, ipakita natin sa publiko,” anang mambabatas. (PFT Team)

The post PRRD pinamamadali ang COVID-19 vaccines rollout – Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
PRRD pinamamadali ang COVID-19 vaccines rollout – Bong Go PRRD pinamamadali ang COVID-19 vaccines rollout – Bong Go Reviewed by misfitgympal on Pebrero 25, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.