ANG tsismis ng aking long-time friend, seksi na raw ulit itong si lady presidential appointee makaraang makunan o ma-miscarriage ang sanggol sa kanyang sinapupunan.
Para patunayang seksi na ulit si lady presidential appointee at makitang parang walang nangyaring pagbubuntis, nag-post siya sa kanyang social media account ng sexy photo naka-suot ng sports bra at legging na kita ang belly.
Hindi naman nakaligtas sa mata ng mga addict sa social media ang sexy photo ni lady presidential appointee. Kaya ang challenge sa kanya, mag-live ito sa kanyang social media account para patunayang walang kinalaman ang kanyang pagbubuntis sa isang action star.
Ang drama, napagbintanggan ang action star na ito ang ama ng sanggol na ipinagbubuntis ng lady presidential appointee, bagay na ikinagalit naman ng asawa ng action star.
Makaraang makapagpahinga ang lady presidential appointee, dali-dali itong lumutang para linisin ang nadungisang reputasyon ng action star dahil hindi naman pala siya ang naka-buntis kundi ang 20 years old boyfriend ni lady presidential appointee.
Wow naman! Kainitan ang ganitong edad.
Kaya pala nakunan si lady presidential appointee e medyo oldies na pala siya kaya naging maselan ang kanyang pagbubuntis.
Sino kaya itong lady presidential appointee? Sino rin itong si action star? Kayo na po ang bahalang humula kung sino sila!
Ang hamon naman natin kay lady presidential appointee, ingatan ang sarili kapag nagbuntis ulit, ok!
“Test, Trace and Treat” approach.
MAHIGPIT pa rin ipinatutupad ang health and safety protocols sa loob ng Batasang Pambansa Complex sa Quezon City, kahit pa bumababa ang bilang ng kaso base sa resulta ng second mass testing na isinagawa sa mga kongresista at empleyado mula January 18 hanggang 27.
Ang sabi ng pamunuan ng House of Representatives, sa kabila ng kapansin-pansing pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa kanilang opisina, hindi pa rin nagpapabaya ang liderato laban sa coronavirus sa gitna ng banta ng bago at mas nakahahawang ibang sakit.
Iniugnay ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza ang pagbaba ng coronavirus cases sa Kamara sa epektibong implementasyon ng COVID-19 management program gamit ang tried-and-tested “test, trace and treat” approach.
Ang pagkakita sa bagong COVID-19 variant sa bansa ang nagtulak raw kay Speaker Lord Allan Velasco upang ipagpatuloy o mas higpitan pa ang pagsisikap upang maiwasan ang pagkalat ng bagong variant ng coronavirus sa loob ng Batasan.
Para sa lahat ng papasok sa Batasan Complex, kailangang magsuot ng masks at face shields, dadaan sa thermal scanners at disinfection machines, at panatilihin ang physical distancing sa lahat ng oras. Araw-araw naglilinis at disinfection sa lahat ng opisina at gusali sa loob ng Batsan complex. Kinakailangang magpakita ng negative COVID-19 Antigen test result ang lahat ng bisita bago sila payagang makapasok sa opisina sa loob ng Batasan complex.
Sa report ni Mendoza, may 34 individuals tested positive sa COVID-19 out of 2,848 subalit dumaan sa gold-standard reverse transcription-polymerase chain reaction or RT-PCR test sa isinagawa nilang second mass testing.
“This is equivalent to a positivity rate of only 1.19 percent, which is way below the 5 percent positivity rate recorded during the first mass testing,” sabi ni Mendoza.
Matatandaang may 98 out of 2,000 House members and employees tested positive for coronavirus during the mass testing conducted on November 10-20, 2020. All 98 positive cases have since recovered.
Batay pa sa House official, dinala ang lahat ng tested positive sa isolation facilities upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng virus at agad silang nagsagawa ng contact tracing.
***
CONGRATULATIONS sa aking long-time friend at co-host na si Ms. Chit Luna, executive producer and host ng Lakbay Pinas sa second season ng kanilang TV travel show aired over channel 13 every Sunday @9am. Mga ka-Pinas, tara na’t maglibot tayo sa iba’t ibang lugar dito sa atin kasama si Janah Zapian, ang beautiful young lady and very energetic segment host. Kasama rin ang batikang director na si KR Miranda, Grace Paras, script writer; Michael Luna, cameraman; Jessie Madrid, assistant cameraman at Ella Florido, production assistant.
The post Seksing presidential appointee, nabuntis ni? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: