Facebook

Implementors ang nagkasala hindi ang dengvaxia vaccines!

ANG DENGVAXIA VACCINES ay gamot panlaban sa sakit na DENGUE at wala itong kinalaman sa sinapit na malatortyur na kamatayan ng mga batang naturukan.., kundi ito ay krimeng nagawa ng ilang mga government officials na pawang nahaharap ngayon ng patung-patong na mga kasong isinampa ng mga nagdadalamhating magulang na naghahangad sa hustisyang sinapit ng kanilang mga anak.

Dahil sa DENGVAXIA CONTROVERSY na kagagawan ng ilang mga matataas na opisyal ng ating gobyerno ay nawala ang tiwala ng mamamayan sa bakuna at ngayong COVID-19 PANDEMIC ay marami ang atubili at umaayaw magpabakuna.., pero malaki pa rin ang tsansa na muling magtitiwala ang sambayanan sa bisa ng bakuna at mangyayari ito kapag nakamit ng mga biktima ang JUSTICE sa paraang mapanagot ang lahat ng sangkot sa kawalang-malasakit na kunwa’y mass vaccination noong taong 2016.

Sa kasalukuyan, habang hinihintay ng kasalukuyang administrasyon ang mga inorder na COVID VACCINES ay hinihimok ng DEPARTMENT OF HEALTH (DOH) ang mga MEDIA na maging kabahagi para mahimok ang mamamayan na muling magtiwala sa bakuna.., yun nga lang, sadyang mahirap gibain ang dinanas sa nagdaang DENGVAXIA CONTROVERSY kung walang aksiyong ipapataw sa mga INITIATOR na sinadya ang pagpapairal ng programa gayong batid nilang hinde dapat maturukan ang mga hinde pa nagkaka-dengue noon.

Sa mga nagdaang press conference ng PUBLIC ATTORNEYS OFFICE (PAO) ay naihayag ni CHIEF, ATTY. PERSIDA ACOSTA na ipinagbawal ng FOOD AND DRUG ADMINISTRATION (FDA) ang paggamit ng DENGVAXIA dahil ang SANOFI ay hinde nagsusumite ng mga requirement na hinihinge ng FDA at ng DOH.., na isang kuwestiyonable rito ay kung bakit hinde ideneklara o ipinahayag sa publiko ang naturang pagbabawal na sa nasabing bakuna at sa halip ay ipinagpatuloy pa rin o sinadyang itinuloy ang programa para maubos marahil ang binili ng gobyerno na mga DENGVAXIA?

Sa mga isinagawang HOUSE and SENATE HEARINGS patungkol sa DENGVAXIA FIASCO ay naihayag ni UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES COLLEGE OF MEDICINE ASSISTANT PROFESSOR DR. GENE NISPEROS na.., “Many of the safeguards that were in place for the longest time were violated and were intentionally not followed, in order to push for a vaccine that was still in research level. The entire vaccination programme was conducted under very dobius and non-medical conditions that put children’s lives at stake. The Department of Health betrayed people’s trust”.

Sa isinagawang analisasyon ng mga FILIPINO SCIENTISTS na sina ANTONIO DANS, LEONILA DANS at MARIA ASUNCION SILVESTRE gayundin ng mga INTERNATIONAL VACCINE EXPERTS na sina SCOTT HALSTEAD at GORDON GUYATT.., ay ipinunto ng.mga ito na ang mga FILIPINO ay nawalan ng tiwala sa vaccines matapos ang DENGVAXIA FIASCO sa mga kadahilanang; (1) hinde kinonsulta ang mga stakeholder patungkol sa Dengvaxia program development; (2) marami sa mga naitalagang key advisory bodies ay may mga conflict of interests; (3) Sanofi exaggerated the safety at huli na noong ideklara nila ang dangers ng Dengvaxia; (4) published meta-analysis hid data on safety and vaccine dependent enhancement through flawed statistical analysis; at (5) the state mandate was rushed without sufficient time allowed for a voluntary immunization program.

“The only way to put people’s trust back in vaccines is to give justice to the dead victims and survivors and to punish those who pushed for the experimental Dengvaxia and disregarded people’s safety to send a message that the Philippine Government will never countenance such recklessness in public health and will always put people’s health and safety above all else,” pagpupunto ng PAO sa pangunguna ni CHIEF ACOSTA.

Nangunguna sa pinapananagot hinggil sa DENGVAXIA CASE ay si CONG. JANETTE GARIN na nahaharap sa kasong kriminal na RECKLESS IMPRUDENCE RESULTING TO HOMICIDE sa sala ni QCRTC BRANCH 107 PRESIDING JUDGE JOSE BAUTISTA JR; kung saan, ang 100 criminal complaints na naisampa sa DEPARTMENT OF JUSTICE ay kasalukuyang isinasailalim ngayon sa preliminary investigation.

***

PAGING REP. SARAH ELAGO…

Dear Sir Irwin:

Kasabay ng matinding isyu tungkol sa UP-DND Agreement ang isyu sa pagkarekober sa bangkay ng dating estudyante ng Cagayan State University. Mismong kasamahan ni “Ka Aira” sa NPA ang nagturo kung saan nila inilibing ang bangkay nito taong 2017. Medical officer at political guide daw sa Cagayan valley si Aira, ibig sabihin hindi siya basta-bastang estudyante lang. Napabalita rin na dati palang miyembro ng Kabataan at College Editors Guild of the Philippines si Aira bago tuluyang nag NPA. Isang estudyante na nasayang ang buhay at kinabukasan dahil sa maling pinaniwalaan at maling tinahak na daan.

Ano kaya ang masasabi ni Kabataan Rep Sarah Elago sa kinahinatnan ng buhay ni Ka Aira? Ano kaya ang masasabi ng College Editors Guild of the Philippines na mula pa noong senate hearing ng mga dating NPA eh nag umpisa ng makaladkad ang organisasyon nila? Hindi lang UP ang dapat na tutukan ng gobyerno ngayon dahil maging ang ibang state universities ay pinasok na ng mga recruiters ng CPP-NPA-NDF.

Alana Ann Cortes
Former Student Leader – UP Manila

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Implementors ang nagkasala hindi ang dengvaxia vaccines! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Implementors ang nagkasala hindi ang dengvaxia vaccines! Implementors ang nagkasala hindi ang dengvaxia vaccines! Reviewed by misfitgympal on Pebrero 02, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.