SUNUD-SUNOD nang ibinabalita sa media ang pagtakbo ni Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio sa pagiging pangulo ng bansa sa halalang 2022.
Pero, sabi ni Sara ay hindi siya interesado sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.
Isa sa mga lantad at agresibong nagsusulong sa kandidatura ni Sara ay ang abogado ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Salvador Panelo.
Katunayan, ang matagal-tagal na rin niyang iwinawasiwas sa publiko ay ang tambalan ng mag-amang Duterte.
Naniniwala si Panelo na dapat ipagpatuloy ang mga magagandang nagawa ni Pangulong Duterte.
Dahil pursigido sa kanyang paniniwala, ikinasa ni Panelo ang tambalang Duterte – Duterte sa Pangasinan ilang araw na ang nakalilipas.
Mula noon ay sunud- sunod na ang balita sa pagtakbo ni Sara sa eleksyong 2022.
Kahit anong paliwanag at pangungumbinsi kay Panelo ay hindi na mababago ang ‘masamang ideya’ nito.
Mamamayan na lamang ang dapat paliwanagan at kumbinsihing sa naparakaming kapalpakang nagaganap sa ating bansa habang papalapit nang papalapit ang pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte sa Hunyo 30,2022.
Batay sa sarbey ng Social Weather Stations (SWS) noong Nobyembre 21 hanggang Nobyembre 25 ng nakalipas na taon, umabot sa 12.7 milyon ang mga manggagawa ng nawalan ng trabaho noong Nobyembre mula sa dating 23.7 milyon ng Setyembre.
Kahit 11 milyon ang nabawas sa 23.7 milyon ang bilang ng mga manggagawang nawalan ng trabaho noong Nobyembre ay napakatindi pa rin ng asabing problema ng bansa.
Ito’y dahil simula Hulyo pa lang ay nagsisimulang itulak pamahalaan kasama ang economic managers ni Duterte, ng mga negosyante at mga manggagawa ang pagsusulong ng ekonomiya upang makaahon mula sa napakahabang lockdown na ideneklara ni Duterte noong Marso dulot ng COVID – 19.
Ibig sabihin, umabot pa hanggang Setyembre ang problema ng mga manggagawa.
Tapos, napakababa pa ng sahod dahil ang totoong halaga nito, ang “purchasing power”, nito ay bawas ng mahigit P100.
Sumabay din ang walang tigil na pagtaas ng presyo ng baboy, manok, isda, gulay, bigas at marami pang iba.
Ang nakadidismaya ay patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin hanggang ngayong Pebrero 2021.
Ang dahilan daw ng problemang ito, ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ay nananatiling talamak ang African Swine Fever (ASF) sa mga baboy.
Pokaragat na ‘yan!
Ang nakakainis pa rito ay walang katapusan ang kaliwa’t kanang katiwalian, korapsyon at pandarambong sa maraming kagawaran at ahensiya ng pamahalaan.
Habang hilong -talilong ang 110 milyong Fiipino sa mga masamang pangyayari sa ating bansa ay biglang nagpakawala ng sariling adyenda itong si Atty. Salvador Panelo hinggil sa kandidatura ng mag-amang Duterte sa pagkapangulo at pagkapangalang – pangulo ng bansa sa eleksyong 2022.
Pokaragat na ‘yan!
Napakalinaw na walang pagbabagong naganap simula nang naging pangulo si Duterte, tapos gusto pa ni Panelo na maging isa pa rin sa pinakamataas na lider ng bansa si Pangulong Duterte bilang bise – presidente mula 2022 hanggang 2028.
Tapos, presidente si Sara Duterte – Carpio mula 2022 hanggang 2028.
Naririnig b ani Panelo nang mabuti ang kanyang sarili habang itinatambol sa publiko ang tambalang Duterte- Duterte?
The post Duterte pa rin sa 2022? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: