Facebook

Moreno ng DHL-NAIA, ehemplo ng mabuting public service

SA nakatakdang pagtatatapos ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte, isa lang ang tiyak. Na siya ay mag-iiwan ng legacy sa pagtatalaga ng mga tapat at magagaling na tauhan sa Bureau of Customs (BOC ).

Isa na dito si DHL Customs Assessment Unit-NAIA Chief Ronald Moreno na siyang pangunahing katuwang nina BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero at NAIA District Collector Carmelita “Mimel” Talusan sa pagsasaayos ng bureau.

Sa kanilang sama-samang pagkilos, naibangon nila ang imahe ng BOC pati na din ang performance nito.

Batay sa aking pagkakaalam, may tatlong dekada na ding nagbibigay ng tapat na serbisyo si Moreno sa BOC hanggang sa siya nga ay maitalaga sa kasalukuyan bilang hepe ng DHL Customs Assessment Unit sa NAIA.

Ang haba ng inilakbay ng kanyang karera sa BOC ay isang patunay kung gaano siya kagaling pagdating sa trabaho.

Ipinakikita rin nito kung anong uri ng liderato meron si Moreno. Sa loob ng 30 taon ay umani ito ng papuri, bilib at respeto mula sa kanyang mga kasamahang kawani at opisyal dahil sa pagsisilbi bilang magandang halimbawa ng isang public servant.

Narating din nito ang kasalukuyang puwesto sa pamamagitan ng seryoso at matinding pagta-trabaho at sariling pagsusumikap.

Dahil na rin sa kanyang magandang performance, si Moreno ay tumanggap ng maraming parangal habang patuloy na nag-aambag ng kanyang galing at talino para sa ikabubuti ng imahe at performance ng BOC sa kabuuan.

Sa ngayon ay nakatuon umano ang konsentrasyon ni Moreno sa higit na pagpapaganda ng performance ng kanyang tanggapan para na din sa kabuuan ng BOC.

Kaagapay din siya ng liderato sa paglulunsad ng lahat ng uri ng reporma para sa ikaaangat ng BOC. Sa katunayan, kelan lamang ay ipinag-utos nito ang paglipat sa dalawang operatiba ng Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF).

Ito ay bunsod ng napakaraming sumbong at petisyon na natanggap ni Moreno mula sa mga kawani ng kanyang tanggapan na kanya namang napatunayang totoo sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sariling pagsisiyasat.

Hinding-hindi umano maaring payagan ni Moreno ang anumang uri ng pag-abuso sa puwesto lalupa’t matitino ang kanyang mga boss na sina Talusan at Guerrero at iisa lamang ang kanilang tinatahak na daan at polisiya. Follow the leader, ika nga.

Si Moreno ay tunay na perpektong halimbawa ng kasabihang, ‘public service is public trust.’

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon o impormasyon.

The post Moreno ng DHL-NAIA, ehemplo ng mabuting public service appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Moreno ng DHL-NAIA, ehemplo ng mabuting public service Moreno ng DHL-NAIA, ehemplo ng mabuting public service Reviewed by misfitgympal on Hulyo 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.