INIHAYAG ni Pangulong Rodrigo Duterte na seryoso niyang ikinokonsidera ang alok sa kanya na tumakbong vice president sa May 2022 elections pero sinabi niya sa mga opisyal at miyembro ng ruling party Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na maghanap ng makasusundo niya at may kakayahang maging manok sa pagkapangulo.
“To the proposition that I run for vice president, medyo I am sold to the idea. Meaning to say, I am seriously thinking of running for vice president,” ang sabi ng Pangulo.
“If I run for vice president, tapos ang presidenteng na-elect hindi ko kaibigan (and then the president who will win is not my friend), the situation would arise and I would remain an inutile thing there,” aniya pa.
Ayon kay Duterte, si Senator Christopher “Bong” Go na matagal niya naging aide, ay handang-handa na para maging presidente ng Pilipinas.
“Bong Go is ready anytime,” ayon sa Pangulo.
“He has been with me for 23 years kaya natuto,” idinagdag ng Chief Executive.
Tila hindi naman mabibigo ang Pangulo sa kanyang pagnananais dahil mismong ang mga opisyal at kasapian ng PDP-Laban na humihimok sa kanya na tumakbo sa pagkapangalawang pangulo ay si Senator Bong Go rin ang ninanais na maging kanyang running mate sa 2022.
Sa pangunguna ni party vice chairman at Energy Secretary Alfonso Cusi, nagtungo ang mga miyembro ng partido sa Malacañang noong Martes para kumbinsihin ang Pangulo na “kagatin” ang panawagan ng partido na tumakbong vice-president sa darating na halalan.
“The people on the ground, Mr. President, wanted a transition of leadership that will guarantee continuity of the economic and infrastructure projects established under the Duterte administration,” ayon kay Cusi.
“These petitions and resolutions coming from various local governments from Luzon, Visayas and Mindanao representing PDP-Laban members and members of other political parties are now presented here to urge and convince you, Mr. President to run for vice president and to choose your running mate for president in 2022 national elections,” ang sabi pa ni Cusi.
Sinabi naman ni President for External Affairs Secretary Raul Lambino kay Duterte na maraming local leaders ang nais siya na tumakbo, kasama ni Go sa 2022.
“Kung tatakbo po kayong vice president, unanimous po ang mga leaders po sa Pangasinan na sana po ang piliin ninyong kandidato sa president ay si Senator Bong Go po,” ani Lambino.
Ilan pang kasapi ng partido, kinabibilangan nina Bulacan Rep. Rida Robes at Social Welfare and Development Undersecretary Aimee Neri, ang hiniling sa Pangulo na piliin niya si Bong Go upang maging kanyang running mate.
“You are the answer for the continuity with Senator Bong Go,” sabi ni Robes.
“If ever po na pumili po kayo, ‘yun pong sinabi ninyo sa akin, Mr. President in 2012 na the public servant is the one who loves the people is si Senator Bong Go po. Kaya po malaki po at buong suporta po kami sa inyo ni Senator Bong Go,” ayon naman kay Neri.
Habang marami ang nagtutulak sa Pangulo na si Go ang piliin na kanyang ka-tandem, sinabi naman ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa na hayaaan ang Pangulo na makapamili ng makatatambal.
“Senator Bong Go is much qualified. Si Mayor Inday nandiyan din. Whatever happens, kung sinuman basta nandiyan ka sir, sagradong gagaling itong pasyente na Pilipinas ang pangalan,” ani Dela Rosa.
Labis namang pinasalamatan ni Duterte ang members at executives ng PDP-Laban sa pagsasabing lubos siyang natutuwa sa pagbuhos ng suporta, tiwala at sentimyento sa kanya.
Sinabi ng Pangulo na kung siya ay tatakbo at magwagi, sisikapin niyang maging produktibo.
Pinasalamatan din ni Senator Go ang mga opisyal at miyembro ng kanyang partido pero iginiit niya na ikonsidera siya na panghuli sa mga pagpipilian.
“Consider me last, I am not interested to run for the presidency dahil alam kong mahirap talaga ‘yung trabaho. Kumbaga ‘yung tira na lang po ‘yung akin kung wala na talaga kayong ibang mahanap,” ani Go.
Ayon sa senador, ipinauubaya niya sa Diyos at sa mga Duterte ang kanyang kapalaran.
“I leave my fate to God. I leave my fate to the Dutertes, [malaki po ang utang na loob ko sa kanila] at sa Pilipino,” ayon kay Go.
The post DUTERTE: BONG GO READY NA MAGING PRESIDENTE appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: