HABANG nagninilay-nilay si Leni Robredo kung tatakbo o hindi sa halalang pampanguluhan sa 2022, puspusan ang paghahanda na kampo ni Sara Duterte upang sumabak. Hindi nga lang malaman kung totoong sasabak o hindi. Kumalat sa media ang mga balita na nakipag-alyansa sa ibang lapian at grupong pulitikal ang Hugpong ng Pagbabago, grupo ni Sara. Nakipag-alyansa to umano sa lapian Lakas-CMD na pinamumunuan ni dating pangulo Gloria Macapagal-Arroyo at dating ispiker Jose de Venecia Jr., at National Unity Party (NUP) na pinangungunahan ng political operator na si Ronaldo Puno.
Nakipagkopongan rin ang Hugpong sa Nacionalista Party, ang pinakamatandang lapian sa bansa at kontroladao umano ng dating senador Manny Villar. May posibilidad na si Mark Villa ang ka-tandem ni Sara sa 2022. Kaalyado umano ng Hugpong ang Partido ng Masang Pilipino (PMP) ng dating pangulo at alkalde ng Maynila na si Erap Estrada. Malamang na masama sa mga kandidatong pang-senador ang magkapatid na Jinggoy Estrada at JV Ejercito. Binubuo na umano ng Hugpong ang mga tiket se Sanado at Kongreso.
Kumalat sa social media ang balita na nakipag-alyansa ang People’s Reform Party, ang maliit na partido na itinayo ng namayapang Miriam Defensor Santiago at pinamumunuan ngayon umano ng kilalang bigtime na sabungero na si Narciso Santiago, asawa ni Miriam. Kumpleto sa balita at larawan ang pakikipagkasundo ng dalawang grupo at may larawan pa kung saan nagpirmahan ng dokumento ng alyansa si Narsing Santiago para sa PRP at Herminio Roque, alyas Harry Roque, sa isang malaking hotel sa Maynila.
Ngunit ilang oras pagtapos lumabas sa media ang balita ng alyansa, itinatwa ng ilang kasapi umano ng PRP ang kasunduan sa Hugpong. “Hindi namin kinikilala ang kasunduan,” anila sa isang pahayag na nagpapahiya kay Narsing Santiago at Herminio Roque. Hindi awtorisado ang ginawa ni Narsing at walang konsultasyon sa kasapian ng PRP ang alyansa, anila. Hindi namin alam kung sumagot si Narsing sa pahayag. Hindi malaking partido ang PRP at sinasabing binuo lamang ito ng mag-asawang Miriam at Narsing sa laban ng una sa halalan noong 1992.
Walang galaw sa PDP-Laban at hindi pa tuloy ang pagsibak kay Mane Pacquiao bilang pangulo ng lapian. Naghahanda si Mane sa kanyang laban kay Errol Spence sa Estados Unidos kung saan nakatakda siyang kumita ng mahigit P3 bilyon na malamang gagamitin sa halalan. Mukhang tuloy ang pagsabak ni Rodrigo Duterte bilang pangalawang pangulo. Hindi pa malaman kung sino kay Sara o Bong Go ang kandidato niya sa pagkapangulo.
Nakabitin ang negosasyon sa pagitan ni Mane at Kiko Pangilinan kaya hindi pa malaman kung aampunin ng Liberal Party si Mane. Malaki ang posibilidad na mangyari iyan kapag sinibak si Mane. Ang alyansa ng Liberal Party at paksyon ni Mane sa PDP-Laban ang maaaring mangyari. Pinamumunuan ni Koko Pimentel ang paksyon ni Mane sa naghaharing lapian.
Hindi pa nagpapahayag si Leni kung tatakbo o hindi sa 2022. Ngunit malaki ang posibilidad na hindi tatakbo si Leni dahil walang paghahanda ang kanyang kampo o ang Liberal Party upang harapin ang 2022. Maingay sa social media ang kanyang mga panatiko na kung tawagin ay mga “lenitic.” Pilit siyang itinutulak kahit hindi niya gusto.
Hanggang ngayon, walang nakikitang paghahanda ang Liberal Party sa susunod na hahalan. Walang pangangalap ng mga bagong kasapi na makakasama sa halalan; walang pangangalap ng pondo. Walang pakikipagtulay sa ibang lapian maliban sa mga pro-Duterte told ni Isko Moreno, Ping Lcson, Joel Villanueva, at Mane Pacquiao. Nasa zero balance ang Liberal Party kahit sinsabi ng ilang marunong sa pulitika na huling huli na ang Liberal Party upang sumabak sa halalan. Puede humabol ngunit sinasabi nila na matatalo lang ito sa 2022.
Samantala, malaki ang posibilidad na si Sonny Trillanes ang magiging opisyal na kandidato ng 1Sambayan, ang koalisyon ng mga tunay na puwersa ng demokrasya. Tuloy-tuloy ang pag-uusap ni Trillanes sa mga convenor ng Koalisyon dahil alam nila na hindi tatakbo si Leni. Malamang ng magretiro sa pulitika o tumakbo na lang bilang gobernadora ng Camarines Sur or kandidato ng isang party list group si Leni.
***
KUMALAT sa socmed ang bukas na liham ni Roberto Romulo, dating DFA secretary. Pakibasa:
MY URGENT APPEAL
Dear Friends:
This letter is about the sad plight of our country under the Presidency of Duterte which has been characterized by incompetence, brutality, corruption, incivility, abuse of power, and dishonesty. In a span of five years, he has reversed the gains that the Aquino Presidency has bequeathed him – a robust economy, a healthy balance sheet, shrinking poverty levels, the confidence of foreign investors, international credit rating agencies and corruption ranking institutions and the respect of other countries.
He has squandered the weight of global public opinion in our favor following the ruling of the UN arbitration court invalidating China’s claim on the South China Sea by meekly standing by while she continues encroaching on our territory and denying our fishermen access to traditional fishing grounds. His brutal implementation of his anti-drug war has caused the lives of thousands with little success to show for it. His incompetent management of the pandemic resulted in unnecessary deaths and impoverished the poor even more. The simplicity, dignity, moral values and respect for democratic ideals that the under-appreciated Noynoy Aquino brought stands in stark contrast to Duterte. Do we really want six more years of this dark age in our history? Six more years of Harry Roque and Jose Calida?
The next election will be fought in cyberspace – be it the social media trolls or even outright digital shenanigans by the side that have the means to do so or is friendly with those who have. Truth is the counter weapon of choice against those who will bend it to change the narrative. I strongly suggest that you highlight Aquino legacies to your family, friends, and acquaintances. If possible, provide moral and financial support to those who are in social media. It is my understanding that there are trolls on our side but regrettably weak in comparison to Duterte trolls.
Do not put priority on the “winnability” of a candidate but rather on someone who will bring back competence, dignity, civility and true love of country and her people. Together we can make that candidate winnable. But do not wait for that individual to emerge. Our primary objective now is to show our countrymen that Duterte and his anointed are unacceptable.
At the age of 82, I assure you I have no personal agenda, political or otherwise. In truth, it is my fervent prayer for the return of democracy and its institutions, which the incumbent has trampled.
***
Email:bootsfra@yahoo.com
The post Sara sa 2022 appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: