Facebook

Grupo ng mga guro umalma sa ‘Oplan Kontra Lupig’ ng Sorsogon City PNP

SORSOGON CITY – Inalmahan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT)-Sorsogon ang poster ng Sorsogon City Police Station (SCPS) at Sorsogon City Advisory Council tungkol sa kanilang ‘Oplan Kontra Lupig’ campaign kungsaan naisama sa kategoryang “pinagkakatiwalaang tao’’ ang mga guro subali’t posibleng siyang maging salarin ng panghahalay.

Sa pahayag ni ACT-Sorsogon President Marlyn Dechavez, matinding pagkabahala ang idinulot sa kanilang panig gayundin sa hanay ng mga guro ang nasabing kampanya.

Aniya, bukod sa masyado itong nakaka-alarma, tila pagyurak narin ito sa kanilang pagkatao, kredibilidad at propesyon bilang mga guro, kung kaya kinailangan nilang mag-demand ng ‘public apology’ mula sa SCPS na agad namang tinanggap ng pamunuan nito.

Bagama’t ipinagpapasalamat ng grupo ang hakbang ng PNP, umaasa si Dechavez na ang mga kahalintulad na insidente ay hindi na mauulit pa.

Samantala, humingi ng paumanhin ang Sorsogon City Police Station (SCPS) sa ACT-Sorsogon at sa mga nasa sektor ng edukasyon na naapektuhan ng kanilang campaign poster ng Oplan Kontra Lupig.

Ayon kay Police Major Jeric Don Sadia, hindi nila sinasadya ang pagkakasama ng mga guro sa mga posibleng salarin sa nasabing krimen.

Ayon dito, isang honest mistake lamang ang nangyari at wala silang intensyong makapanakit o personal na tukuyin ang mga nasa nasabing propesyon.

The post Grupo ng mga guro umalma sa ‘Oplan Kontra Lupig’ ng Sorsogon City PNP appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Grupo ng mga guro umalma sa ‘Oplan Kontra Lupig’ ng Sorsogon City PNP Grupo ng mga guro umalma sa ‘Oplan Kontra Lupig’ ng Sorsogon City PNP Reviewed by misfitgympal on Hulyo 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.