Facebook

2 barko nagbanggaan sa Manila Bay

DALAWANG barko, cargo vessel at isang foreign utility vessel, ang nagbanggaan sa karagatan ng South Harbor Anchorage area sa Maynila, ulat ng Philippine Coast Guard (PCG).

Naganap ang banggaan ng MV Palawan Pearl at BKM 104 alas- 2:10 ng umaga.

Sinabi na halos nakalubog pa ang MV Palawan Pearl at may “oil sheen” sa paligid ng cargo vessel.

Ayon kay Rexchel Fabrigas ng MV Palawan Pearl, ang kanilang oil storage tank ay puno ng 3,000 litrong diesel bago pa ang insidente.

Karga rin nila ang drum ng diesel oil; 60 litrong engine oil; at 5 litrong bilge oil.

Samantala, maglalagay na ng apat na segment ng oil spill boom ang PCG Marine Environmental Protection Command.

Wala namang nasugatan sa nangyari. (Jocelyn Domenden)

The post 2 barko nagbanggaan sa Manila Bay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 barko nagbanggaan sa Manila Bay 2 barko nagbanggaan sa Manila Bay Reviewed by misfitgympal on Hulyo 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.