Facebook

Gusto pang makaisa sa ex-gf nang-blackmail, kulong!

ISANG indibidwal ang inaresto ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI)-Sarangani District Office (NBI-SARDO) sa pangba-blackmail ng biktima kapalit ng pakikipagtalik.
Ayon kay NBI Officer-In-Charge (OIC) Eric B. Distor, nakilala ang suspek na si Rosman Hadji Ibrahim.
Naaresto si Ibrahim sa entrapment operation na nag-ugat sa reklamo ng isang babae na bina-blackmail nito.
Ayon sa biktima, may relasyon silang dalawa mula 2017 at nakipaghiwalay noong Disyembre 2020 ngunit nagpapatuloy paring nagte-text ang suspek sa kanya.
Tinakot din ang biktima ng suspek na ipo-post ang kanyang nude photos kapag hindi ito nakipagtalik sa kanya. Dahil dito, dumulog na sa NBI ang biktima.
Sa napag-usapang lugar, nakipagkita ang biktima kay Ibrahim sa isang motel sa Barangay Lagao, General Santos City at dito naaresto ang suspek.
Mahaharap sa kasong Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004 ( RA 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012) si Ibrahim.(Jocelyn Domenden)

The post Gusto pang makaisa sa ex-gf nang-blackmail, kulong! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Gusto pang makaisa sa ex-gf nang-blackmail, kulong! Gusto pang makaisa sa ex-gf nang-blackmail, kulong! Reviewed by misfitgympal on Abril 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.