Facebook

2 MMDA enforcers na nag-viral sa pangingikil sinuspinde na

DAHIL sa pagva-viral sa social media, sinuspinde ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos Jr. ang da-lawang traffic enforcer ng kanilang ahensya sa Traffic Discipline Office (TDO) na nasangkot sa pangongotong.
Ayon kay Abalos, pinadalhan niya ng ‘notice of charge’ ang traffic enforcers na sina Edmon Belleca at Christian Malemit na kapwa permanenteng empleyado ng ahensya.
Ang dalawang enforcers ay sasailalim sa 90 araw na preventive suspension habang isinasagawa ang imbestigasyon sa kasong extortion, grave misconduct at iba pang reklamo.
Sumikat ang naturang enforcers nang makita sila sa isang video na nanghingi ng P1,000 sa kanilang nahuli na motorista na nakagawa umano sa traffic violation sa bisinidad ng EDSA-A. Bonifacio.
Siniguro ni Abalos na hindi nila kukunsintihin ang ginawa ng dalawang traffic enforcers at hinikayat ang publiko lalo ang mga motorista na ipagbigay-alam sa kanilang opisina saka-ling may gawin iligal na aktibidades ang kanilang mga kawani upang agad nila itong bigyan ng aksyon.

The post 2 MMDA enforcers na nag-viral sa pangingikil sinuspinde na appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 MMDA enforcers na nag-viral sa pangingikil sinuspinde na 2 MMDA enforcers na nag-viral sa pangingikil sinuspinde na Reviewed by misfitgympal on Abril 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.