Facebook

P102-M SHABU NASAMSAM SA 2 NAPATAY NA TULAK SA RIZAL!

NASA P102 million halaga ng shabu ang nasamsam ng mga elemento ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PNP – DEG ) sa isang buy bust operation sa Taytay, Rizal na ikinasawi ng dalawang malalaking tulak.
Kinilala ni PNP Chief, General Debold Sinas, ang napatay na tulak na si alias “Alvin” na nag-o-operate sa Region 4A, National Capital Region at kalapit na lalawigan, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kasamahan nito.
Ayon kay Sinas, 11:55 ng gabi nang magsagawa ng buy bust ang pinagsanib na mga elemento ng PNP – DEG, Philippine Drug Enforcement Agency 4A, Rizal Provincial Office, at Bureau of Custom sa Highway 2000, Bgy. Sta Ana Ext., Taytay.
Nasamsam sa buy bust ang 15 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng P102 million, 1 unit ng Cefiro Sedan na may plakang WPT 539 at dalawang 9mm pistols.
Si alias Alvin ay isa sa mga distributor ni Michael Licas na nadakip sa buy bust operation sa Town and Country Homes, Dasmarinas, Cavite at miyembro ng isang drug syndicate na nakabase sa Hongkong.
(Mark Obleada)

The post P102-M SHABU NASAMSAM SA 2 NAPATAY NA TULAK SA RIZAL! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P102-M SHABU NASAMSAM SA 2 NAPATAY NA TULAK SA RIZAL! P102-M SHABU NASAMSAM SA 2 NAPATAY NA TULAK SA RIZAL! Reviewed by misfitgympal on Abril 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.