Patay ang isang delivery rider nang aksidenteng mabaril ng kaibigang pulis sa isang barangay hall Huwebes ng gabi sa Tondo, Manila
Ayon sa ulat ng MPD, kinilala ang biktima na si Jayson Capistrano, 31, binata, delivery rider, at nakatira sa 2851 P Fronda Street Gagalangin Tondo, Manila.
Iniimbestigahan na at nasa kustodiya na rin ng MPD ang salarin na si PCp Oliver Ferrer, binata, nakatalaga sa MPD-PS 1 (Raxabago) at taga Balut, Tondo.
Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa likod ng kusina ng Barangay Hall ng Brgy 183 Zone 16, Gagalangin, Tondo, 10:45 ng gabi.
Nauna rito, nagtungo umano ang pinsang pulis ng biktima na si Pcpl Jerome Mingote Capistrano na nakatalaga naman sa MPD- PS 11 sa Brgy. Hall upang bisitahin si Chairman Joseph Lipasana.
Habang naghihintay at nagkukwentuhan si PCpl Ferrer kasama ang iba pang kaibigan at ang biktima, nang magbirong bumunot ng baril ang salarin at aksidenteng pumutok at tamaan sa tiyan ang biktima.
Ang pangyayari ay base na rin sa testimonya ng pinsang pulis ng biktima na nasa lugar nang mangyari ang insidente.
Agad namang isinugod sa Chinese General Hospital ang biktima ng kanyang pinsang pulis ngunit idineklarang dead on arrival
Isinuko naman ng salarin ang kanyang sarili sa Gagalangin PCP at isinurender ang kanyang service firearm na Prietto Berreta Caliber 9mm .
Sa panayam naman kay Chairman Lipasana, hindi siya makapagbigay ng anumang impormasyon sa pangyayari dahil hindi niya nasaksihan, nagulat na lamang aniya siya nang may marinig siyang putok ng baril.
The post Delivery rider, ‘binaril’-patay ng parak sa bgy. hall? appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: