Facebook

P7.4m ‘bato’ nasabat sa Clark

NASA 1.1 kilogram ng shabu nanagkakahalaga ng higit P7.4 million ang natuklasan sa isang shipment na idineklarang “Flask” mula sa Lilongwe, Malawi.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC), pinigil ang nasabing kargamento sa koordinasyon narin ng Port of Clark International Airport at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Enforcement and Security Service (ESS) – Customs Anti-Illegal Drug Task Force (CAIDTF).

Ito ay matapos na makatanggap ang BOC ng impormasyon noong Setyembre 14 na ang nasabing kargamento y naglalaman ng iligal na droga.

Nang inspeksyunin sa pamamagitan ng x-ray at physical examination, nakita ang 5 packs ng shabu na nakalagay sa dalawang unit ng electric air pot flask.

Nag-isyu ng Warrant of Seizure and Detection si District Collector Alexandra Lumontad laban sa kargamento para sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na may kaugnayan sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nitong Setyembre 15, ang naturang droga ay nai-turn over na sa PDEA alinsunod sa Customs Administrative Order No. 03-2020.(Jocelyn Domenden)

The post P7.4m ‘bato’ nasabat sa Clark appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P7.4m ‘bato’ nasabat sa Clark P7.4m ‘bato’ nasabat sa Clark Reviewed by misfitgympal on Setyembre 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.