Facebook

MPBL FINALS: DAVAO OCC. COCOLIFE TIGERS, NAHABLOT ANG GAME ONE VS SAN JUAN

UMAHON sa tiyak na pagkabaon ang south division champion Davao Occidental Cocolife Tigers upang maungusan ang hari ng norte na San Juan Knights 77-75 via overtime sa game one ng MPBL Lakan Cup national finals best-of-five series kamakalawa sa Subic Gym, SBMA, Olongapo City.
Kinailangan ng Tigers ang tatlong kombersiyon ni Mark Yee sa free shots at isang monster na depensa ni Billy Robles ang sumelyo upang sungkitin ang unang panalo kontra defending national champion San Juan.
Isang alley-oop layup ang tinikada ni Mike Ayonayon mula sa inbound ni CJ Isit upang agawin ng Knights ang kalamangan 75-74, 48 segundo ang natitira sa extra period.
Dalawang sunod na turnovers ang potensiyal na naman sanang pagkabigo ng Tigers laban sa Datu Cup titlist na SJ Knights ,24 segundo na lang sa laban.
Isang krusyal na turnover ni John Wilson sa kabilang dulo upang umangat ang Davao sa dalawang freebies ni Yee, 76-75 higit sampung segundo na lamang na nasundan ng supalpal ni Robles sa airborne na si Ayonayon kasunod ng split charity ni Yee na tumiyak ng panalo sa koponan ni Rep. Claudine Bautista ng Davao Occidental na suportado nina Cocolife President Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Joie Franz Araque.
“This just shows the character of our team, never giving up.” pahayag ni Tigers coach Don Dulay na binigyang diin ang kanilang determinsyong makaresbak sa kanilang tormentor noong nakaraang season ng Maharlika Pilipinas Basketball League na inorganisa ni Sen.Manny Pacquiao..
Halatang nanibago at kinakalawang ang magkabilang panig dahil sa napakahabang pagka- tengga dulot ng pandemya.
Tabla sa first quarter 15-15 at 30-30 naman sa ikalawang yugto bago umabante ang San Juan sa 3rd period.
Nabalewala ang 27 big points ni Ayonayon habang ang 17-points late surge ni MVP of the game na si Yee ang instrumental sa paghabol at pag-angat sa overtime.
katuwang sina Eman Calo, Kenneth Mocon at Bonbon Custodio.
Inihahanda na nina Davao Cocolife manager Dinko Bautista, deputy Ray Alao, basketball operation head Bong Baribar at coaching staffs ang panibagong gameplan para sa game two kagabi sa Subic bubble.(Danny Simon)

The post MPBL FINALS: DAVAO OCC. COCOLIFE TIGERS, NAHABLOT ANG GAME ONE VS SAN JUAN appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
MPBL FINALS: DAVAO OCC. COCOLIFE TIGERS, NAHABLOT ANG GAME ONE VS SAN JUAN MPBL FINALS: DAVAO OCC. COCOLIFE TIGERS, NAHABLOT ANG GAME ONE VS SAN JUAN Reviewed by misfitgympal on Marso 18, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.