Facebook

Negosyante pinatay ng customer

PATAY ang isang negosyante nang pagsasaksakin ng kanyang customer sa Pasig City.
Sa ulat, nakapagmaneho pa ang biktima upang dalhin ang sarili sa ospital bago pa ito bawian ng buhay.
Kinilala ang nadakip na salarin na si Jerome Adawag alyas “Kape”, 20 anyos.
Sa report, dalawa pang salarin na kapwa 15-anyos ang nasakote ng mga pulis sa isang computer shop.
Pahayag ng mga pulis, si Adawag at ang dalawang menor de edad na lalaki ang itinuturong nasa likod ng pagpatay sa 51-anyos na negosyante na nakatira sa isang exclusive subdivision sa Pasig.
Dagdag ng mga pulis, nasambit pa ng biktima sa mga imbestigador bago ito mamatay kung sino ang mga salarin, na umano’y mga customer ng biktima.(Gaynor Bonilla)

The post Negosyante pinatay ng customer appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Negosyante pinatay ng customer Negosyante pinatay ng customer Reviewed by misfitgympal on Marso 05, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.