SINALAKAY ng mga tauhan ng 4th Marine Brigade ang isang plantasyon ng marijuana sa Barangay Masjid Pujungan, Kalingalang, Caluang sa Sulu kungsaan tinatayang nasa P21 milyon halaga ng mga nasabing iligal na droga ang binunot.
Ayon kay 4th Marine Brigade at Naval Task Group Sulu Commander, Colonel Hernanie Songano, dalawang plantasyon ng fully grown marijuana ang kanilang sinalakay sa pakikipagtulungan sa mga tauhan ng PDEA Sulu at Provincial Intel Unit-Sulu Police Provincial Office.
Sinabi ni Songano na ang plantasyon sa may Brgy. Masjid Punjungan ay pag-aari ng isang Utoh.
” We have burned the marijuana on site and we will continue to scour the aforesaid area to locate other possible sites of marijuana plantation,” pahayag ni Col. Songano.
Pinuri ni Joint Task Force – Sulu Commander MGen William Gonzales ang mga security forces lalo na ang mga sundalong Marines sa matagumpay nilang operasyon laban sa kampanya sa iligal na droga.
The post P21m marijuana nabunot sa Sulu appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: