Patay ang apat katao, kasama ang isang menor-de-edad nang mahulog ang sinasakyang kotse sa Barangay Panaytayan, Ragay, Camarines Sur.
Kinilala ang mga biktima na sina Melchor Mejellio, driver ng kotse; Salve Mejillo; Mary Ann Morata; at Kriza Mejillo, 15-anyos pawang mga residente ng Barangay F. Simeon, sa nasabing bayan.
Ayon kay PMaj Gary Mangente, hepe ng Ragay Municipal Police Station (MPS), na mula sa Naga City ang nasabing mga biktima nang magpa-dialysis ang isa sa mga ito.
Ayon kay Mangente, pinaniniwalaang mayroong nakasalubong ang mga ito na nag-overtake na ibang sasakyan kung kaya umiwas lamang ito papunta sa gilid ng kalsada.
Sa report, abilis ang patakbo ng driver ng sasakyan kung kaya hindi na nito na-control ang mga sumunod na pangyayari.
Agad namang dinala sa ospital ang mga biktima para magamot, ngunit idineklara rin ang mga itong dead-on-arrival ng mga doktor.
Samantala, tinitingnan namang isa pa sa naging rason ng nasabing pangyayari ang kawalan ng mga warning sign sa lugar.
Sa ngayon, nagpapatuloy naman ang isinasagwang imbestigasyon hinggil sa insidente.
The post Kotse nahulog sa tulay: 4 patay! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: