Facebook

1 linggo pang extension ng ECQ sa NCR Plus, rekomenda ng OCTA

INIREKOMENDA ng OCTA Research team ang isang linggong extension sa enhanced community quarantine (ECQ) na ipinatutupad muli ngayon sa ‘NCR Plus bubble,’ na kinabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna, dahil sa patuloy na pagdami ng naitatalang mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay OCTA Research Fellow Ranjit Rye, hindi sapat ang isang linggo lamang upang mapababa ang COVID-19 cases kaya’t kinakailangang palawigin pa ang ECQ ng isa pang linggo.

“This one week ECQ is certainly not enough. We are definitely not yet out of the woods, and we need an additional week and maybe more,” pahayag ni Rye sa isang pulong balitaan.

“Our position has been clear before and it continues to be clear today, that based on the data we have, we’re not yet out of the woods. We need an additional one week of ECQ at the very least and make a serious assessment after that,” ayon pa dito.

Matatandaang muling nagpatupad ang pamahalaan ng ECQ sa NCR Plus simula noong Marso 29 upang limitahan ang galaw ng publiko at mabawasan ang mga taong nahahawahan ng sakit.

Nakatakdang magtagal ang ECQ hanggang ngayong araw, Abril 4, Linggo, maliban na lamang kung magdesisyon ang pamahalaan na palawigin pa ito alinsunod na rin sa nauna nang rekomendasyon ng Department of Health (DOH) at ng OCTA Research team.

Hanggang nitong Sabado ng umaga, umaabot na sa 771,497 ang COVID-19 cases sa bansa.

May 153,809 ang nananatiling aktibong kaso, na pinakamalaking naitala sa bansa simula nang mag-umpisa ang pandemya noong Marso 2020.

Umaabot naman sa 604,368 ang nakarekober sa sakit habang 13,320 na ang namatay. (ANDI GARCIA)

The post 1 linggo pang extension ng ECQ sa NCR Plus, rekomenda ng OCTA appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
1 linggo pang extension ng ECQ sa NCR Plus, rekomenda ng OCTA 1 linggo pang extension ng ECQ sa NCR Plus, rekomenda ng OCTA Reviewed by misfitgympal on Abril 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.