Facebook

117 staff ng Phil. Orthopedic Center nagpositibo sa COVID-19, outpatient services tigil muna

ITINIGIL muna ng Philippine Orthopedic Center (POC) ang kanilang outpatient services matapos na umabot na sa 117 staff nito ang magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Paglilinaw naman ng pagamutan, mananatiling bukas ang kanilang emergency room upang tumanggap ng mga emergency cases.

“The Philippine Orthopedic Center has been servicing patients despite the lockdown for over a year. With a range of outpatients between 350 to 450 a day, and the increasing positivity rate of COVID patients, 117 out of 180 swabbed staff turned positive,” anang pagamutan, sa isang pahayag.

Pansamantala rin anilang ititigil ang pagsasagawa ng elective surgeries habang nagtatrabaho ang kanilang mga staff sa adjusted schedule ngunit ipagpapatuloy ang pag-accommodate ng mga konsultasyon sa kanilang Facebook page matapos na i-adjust ang kanilang operasyon.

Tiniyak naman ng pagamutan na tutulong sila sa pagpapasilidad ng quarantine ng kanilang mga staff na nangangangailangan, sa pamamagitan ng One Hospital Command Center ng Department of Health (DOH).

Batay sa datos, hanggang nitong Sabado ay kabuuang 216 pasyente ang naka-confine sa POC.

May inaalagaan rin umano silang 12 COVID-19 patients.

Siniguro naman ng pamunuan ng POC na na-disinfect na nila ang kanilang service areas at mga tanggapan upang matiyak na ligtas na ito sa virus.

Umaapela rin ang POC ng mga karagdagang personal protective equipment (PPE) at face mask donations, dahil kinakailangan na umano ng kanilang mga staff na mag-praktis na gumamit ng double masking upang maiwasan ang higit pang pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay.

Paniniguro pa ng POC, ipagpapatuloy nila ang kanilang mandato bilang specialty hospital para sa orthopedic care kahit ngayong panahong ito ng pandemya. (ANDI GARCIA)

The post 117 staff ng Phil. Orthopedic Center nagpositibo sa COVID-19, outpatient services tigil muna appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
117 staff ng Phil. Orthopedic Center nagpositibo sa COVID-19, outpatient services tigil muna 117 staff ng Phil. Orthopedic Center nagpositibo sa COVID-19, outpatient services tigil muna Reviewed by misfitgympal on Abril 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.