Facebook

Pagnanais ni PRRD na magtayo ng PH vaccine institute, suportado ni Bong Go

SINUSUPORTAHAN ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagnanais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtayo ang bansa ng vaccine institute na siyang magmamanupaktura o magde-develop ng sariling bakuna laban sa mga susunod na pandemya.
“Suportado ko po ang kagustuhan ni Pangulong Duterte na magkaroon tayo ng vaccine institute sa Pilipinas na magbibigay ng kakayahan sa ating bansa na mag-develop at mag-produce ng sarili nating mga bakuna, hindi lamang laban sa COVID-19 kundi maging sa mga susunod pang pandemya,” ayon kay Go.
“Mas mabuting handa tayo, mas mabuting meron tayong manufacturing ng bakuna para ‘di na tayo maipit. Napapanahon na po na magkaroon tayo ng sarili nating kapasidad dito sa ating bansa,” idinagdag ng senador.
Noong Martes ay inihayag ni Duterte ang pagnanais niyang makapagtatag ang Pilipinas ng sarili nitong vaccine institute bilang kanyang iiwanang legasiya sa mga Filipino bago matapos ang kanyang termino sa 2022.
Sinabi naman ni Presidential spokesperson Harry Roque na inatasan ng Pangulo ang Department of Budget and Management na maglaan ng pondo sa planong vaccine institute.
“This is the instruction now that the DBM should have a substantial amount of funding available so we can establish a vaccine institute to enable us to manufacture our own vaccines,” ani Roque sa online briefing.
Ang Department of Science and Technology naman sa kabilang dako ay pabor sa nasabing proposal, sa pagsasasabing ang nasabing institute ang siyang magpopokus sa vaccine development.
“We are pushing for the establishment of the Virology Science & Technology Institute of the Philippines (VIP) that has the development of vaccines as a major responsibility. I hope the President is referring to that,” sabi ni DOST Secretary Fortunato T. Dela Peña.
Samantala, inaasahan naman ni Go na ang vaccine institute ang magiging tugon sa kasalukuyang kawalan ng kakayahan ng bansa na makapagprodyus ng bakuna at ibna pang medisina sa infectious diseases gaya ng COVID-19.
Iginiit niya sa pamahalaan na mamuhunan sa pagtatayo ng local manufacturing capabilities upang hindi na umasa ang bansa sa pandaigdigang merkado para sa bakuna.
“Napakalaki po ng potensyal ng ating bansa na mag-produce ng sarili nating mga gamot at bakuna laban sa samu’t saring mga sakit. Napapanahon na po upang pag-aralan natin kung papaano tayo magiging self-reliant pagdating sa aspetong ito,” idiniin ni Go.
Hiniling ni Go sa DOST, sa tulong ng health experts, local pharmaceutical companies, private sectors, gayundin sa academe, na makipag-ugnayan sa international vaccine producers upang ang pamahalaan ay agad na makapagsimula sa pagmamanupaktura ng kinakailangang COVID-19 vaccines.
“This initiative will not only boost our local vaccine supply, but can also help increase production of vaccines in the world market,” ipinunto ni Go.
Kaugnay nito, sa kabila ng kinakaharap na hamon ng gobyerno sa pagbili ng COVID-19 vaccines, tiniyak ni Go na wala namang delay sa isinagawang vaccine rollout.
“Taliwas ito sa mga haka-haka ng iilang grupo na nais lamang siraan ang gobyerno at magkalat ng maling impormasyon. Sa mga kritiko, hindi makakatulong ang paninisi. Magtulungan na lang tayo. Sigurado ako na kung magkakaisa ang buong sambayanan, mas bibilis ang ating pagbabakuna at mas marami tayong maliligtas na buhay,” ayon sa mambabatas. (PFT Team)

The post Pagnanais ni PRRD na magtayo ng PH vaccine institute, suportado ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagnanais ni PRRD na magtayo ng PH vaccine institute, suportado ni Bong Go Pagnanais ni PRRD na magtayo ng PH vaccine institute, suportado ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Abril 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.