Facebook

‘Most wanted’ sa Rizal, timbog

Arestado ang isang kinikilalang “most wanted” person ng Department of the Interior and Local Government sa bayan ng Taytay, Rizal noong Huwebes Santo.
Kinilala ang suspek na si Dindo Darang o alyas “Dindo,” na akusado sa kasong murder.
Ayon kay PNP chief Debold Sinas, naaresto si Darang sa bisa ng operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group at mga pulis sa Rizal sa may East Bank Road sa barangay San Juan.
Aabot sa P90,000 ang inaalok na pabuya para mahuli ang suspek, na kasama sa Directorate for Intelligence-National Level Most Wanted Persons.

The post ‘Most wanted’ sa Rizal, timbog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Most wanted’ sa Rizal, timbog ‘Most wanted’ sa Rizal, timbog Reviewed by misfitgympal on Abril 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.