Facebook

2 Babae nagdala ng ‘lugaw’ sa Brgy. Muzon, kinasuhan

Dalawang babae ang harap harapang nang-insulto sa pagdadala ng lugaw sa Brgy. Muzon, Bulacan.
Matapos mag-trending ang pagharang sa grab rider na si Marvin Ignacio sa pagdadala nito ng lugaw nakisawsaw naman ang dalawang babae hindi pa pinangalanan ng pagdadala ng lugaw sa nasabing barangay.
Ayon kay Marciano Gatchalian, brgy. chairman ng Muzon na tahasan silang iniinsulto ng mga naarestong babae, kaya minabuti ng mga pulis na dumakip sa mga ito na kasuhan upang hindi na pamarisan ng iba.
“Bini-video nila na talagang pinlano nila na insultuhin ang barangay. Wala na rin po kaming choice kasi harap na harap sa pulis noong dalhin ‘yung lugaw kaya pati pulis nagalit sa kanila. Kaya ‘yung pulis na rin ang nagdesisyon na dalhin sa istasyon at kasuhan ng unjust vexation kasi masyadong intentional ‘yung kanilang ginawa,” ayon kay Gatchalian.
Kasalukuyang nakapiit ang dalawa sa San Jose Del Monte police station.(James de Jesus)

The post 2 Babae nagdala ng ‘lugaw’ sa Brgy. Muzon, kinasuhan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
2 Babae nagdala ng ‘lugaw’ sa Brgy. Muzon, kinasuhan 2 Babae nagdala ng ‘lugaw’ sa Brgy. Muzon, kinasuhan Reviewed by misfitgympal on Abril 03, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.