GINUGOL ng mga opisyal at kawani ng Manila City Hall ang kanilang Holy Week sa pagtuloy ng pagbabakuna at swab testing sa lahat ng mga interesado sa 12 itinakdang lugar sa lungsod, kung saan umabot na sa 20,000 ang bilang ng mga nabakunahan ng lokal na pamahalaan hanggang Sabado de Gloria.
Humingi ng pangunawa si Manila Mayor Isko Moreno na isang Sagrado Katoliko na maiintindihan ng Panginoong Diyos ang kanyang ginawang pagtutuloy sa vaccination program ng lungsod maliban na lamang noong Biernes kung saan nagsagawa ng disinfection, upang mabigyan ng karagdagang proteksyon laban sa coronavirus ang mga residente.
Pinuri ni Moreno sina Vice Mayor Honey Lacuna at Manila Health Department chief Dr. Arnold Pangan na personal na pinangunahan ang kanilang vaccinating teams na malugod na ginampanan ang kanilang tungkulin sa pamamagitan ng pagtutuloy ng pagbabakuna sa iba’t-ibang itinakdang lugar mula 8 a.m. to 5 p.m. sa halip na magpahinga sa panahon ng Holy Week. Nagsagawa rin ng pagbisita si Moreno sa vaccination sites, na kinabibilangan ng dalawang paaralan kada distrito ng lungsod.
Bilang isa ring doktor, inatasan ni Moreno si Lacuna na hawakan ang health cluster ng lungsod kung saan siya na ang personal na namumuno sa programa sa pagbabakuna ng lungsod kabilang ang alkalde.
Sa Sta. Ana Hospital, tuloy pa rin naman ang libreng swabbing kahit nitong Biyernes Santo, alinsunod sa kautusan ng direktor nito na si Dr. Grace Padilla, at bilang pagtalima sa panawagan ng alkalde sa publiko na i-avail ang free swab testing.
Ayon kay Padilla, sa Sta. Ana, nasa 72% na ng kanilang health workers ang nabakunahan.
Sabado de Gloria, ang vaccination sa A3 group o persons with comorbidities na nagkakaedad ng 18 to 59 anyos ay isinagawa sa Emilio Jacinto Elementary School at Isabelo delos Reyes Elementary School sa District 1; Osmena High School at Benitez Elementary School sa District 2; Bonifacio Elementary School at Pedro Guevarra Elementary School sa District 3; Ramon Magsaysay High School at Gen. Malvar Elementary School sa District 4; Rafael Palma Elementary School at Justo Lucban Elementary School sa District 5; at Jacinto Elementary School at EARIST College sa District 6.
Iniulat naman ni Lacuna kay Moreno na ang bilang ng mga nakapag-avail na ng libreng bakuna kahapon ay umabot na sa 5,163 hanggang 2:00 PM lamang ng hapon.
Upang makapagpabakuna ang mga may comorbidity, sinabi ni Moreno na kinakailangan lamang ng mga ito na magdala ng medical certificate na naisyu sa loob ng 18 buwan; reseta ng maintenance medicine sa nakalipas na anim na buwan; hospital records gaya ng discharge summary o medical abstract o surgical at pathology records.
Ang mga nagpa-preregister naman aniya ay maaring magdala ng kanilang waiver form o QR code para sa verification purposes.
Patuloy namang hinihikayat ng alkalde ang mga residente na magparehistro na para sa bakuna sa https://ift.tt/3cQKROp. (ANDI GARCIA)
The post Holy Week ng mga opisyal at kawani ng City Hall ginugol sa pagbabakuna at swab testing appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: