ARESTADO ang 44-anyos na lalaki nang laitin ang matabang menor de edad na babaeng dalawang beses niyang sinilipan habang naliligo sa Doña Remedios Trinidad (DRT), Bulacan.
Kinilala ang dinakip na si “Mang Robert”, habang itinago sa pangalang “Nica” ang biktimang Grade 7, kapwa residente ng Barangay Camachin.
Sa report, nangyari ang insidente Abril 5, 10:00 ng umaga; at Abril 9, bandang 7:00 ng gabi, sa Sitio Santol.
Sa salaysay ni “Nica”, noong mangyari ang insidente ay napansin niyang may nakasilip sa butas kaya agad siyang lumabas ng banyo. Nakita niya ang suspek mula sa likurang bahagi ng banyo na nagsabing: “Ang taba-taba mo na, magpapayat ka naman.”
Nitong huli, habang naliligo muli, may narinig ang dalagitang kaluskos kaya binuksan ang kanyang cellphone na may flashlight at nakita sa butas na may sumisilip. Agad siyang lumabas sa palikuran at nakita muli si Mang Robert na nagtatakbo.
Dahil dito, isinumbong niya ang pangyayari sa mga pulis na agad namang kumilos at dina-kip ang suspek.
Nabatid na nang maaresto ang suspek ay nahulihan pa ito ng isang improvised cal.22, magazine at tatlong bala. Kaya mahaharap ito sa pating patong na kaso. (James de Jesus)
The post Namboso ng dalagitang ‘chubby’ arestado appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: