Facebook

‘Hitman’ ni Kerwin Espinosa patay sa ‘warrant’

TIGOK ang isa pang hitman ni Kerwin Espinosa nang “makipagbarilan” sa mga pulis at sundalo na magsisilbi ng ‘arrest warrant’ sa Leyte.
Kinilala ang napatay na si Nicholas Ybañez alyas “Botoy” ng Ormoc City, high value target sa iligal na droga.
Nadakip din ang kasama niyang si Marlon Mendoza na may kasong murder.
Ayon kay Police Major Ariel Salarda ng Leyte Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), isinagawa ang operasyon 5:30 ng madaling araw sa Barangay Anislagan, Calubian, Leyte.
Sa report, magsisilbi ang mga pulis ng arrest warrant laban sa mga suspek subali’t agad silang sinalubong ng mga putok ng baril ni Ybañez, dahilan para gumanti ang mga otoridad.
Tinamaan si Ybañez sa iba’t ibang parte ng katawan at namatay noon din, habang nakatakas si Mendoza pero nadakip din ng mga operatiba.
Ayon sa report, si Ybañez ang lider ng gun-for-hire group at isa sa mga hitmen ni self-confessed Eastern Visayas drug lord Kerwin Espinosa.
Kabilang din si Ybañez sa mga private armed group at kinukuhang hitman ng pulitiko kapag eleksyon.

The post ‘Hitman’ ni Kerwin Espinosa patay sa ‘warrant’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Hitman’ ni Kerwin Espinosa patay sa ‘warrant’ ‘Hitman’ ni Kerwin Espinosa patay sa ‘warrant’ Reviewed by misfitgympal on Abril 11, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.