TRENDING ngayon sa social media ang #Mindanao at #Misamis o #MisamisOccidental nang kumalat ang isang TikTok video, kungsaan nabanggit ng isang netizen ang panghuhuli ng pulisya sa mga lalaking kasapi umano ng “kulto”.
Pinaniniwalaang nagbabahay-bahay ang kulto tuwing hatinggabi upang manghimok ng bagong miyembro o manguha ng gagawing “alay”.
Naaresto ang dalawang lalaki na hindi pa pinangalanan na umano’y kasapi ng isang kulto sa naturang lugar.
Sa ilang post o tweet, makikita ang mga larawan ng mga kagamitan ng nasabing grupo na sinulatan o inukitan ng mga hindi maunawaang simbolo.
Ayon sa mga residente, nakaramdam sila ng takot mula nang mapag-alamang may mga kasapi ng kulto sa kanilang lugar. Namamataan anila ang mga ito na gumagala sa mga lungsod ng Ozamis at Oroquieta at mga bayan ng Aloran, Sincaban, Plaridel at Lopez Jaena upang magtawag ng mga bagong miyembro o maghanap ng mga gagawing “alay”.
Pinaniniwalaang “umaatake” at pumapatay ang grupo tuwing hatinggabi. Kumakatok daw sila sa pinto at kapag pinagbuksan ay saka pinupugutan ng ulo ang kanilang mga biktima.
Samantala, kasalukuyang tinitingnan ng pulisya kung mayroon kinalaman ang mga kuwento-kuwentong ito sa mga ulat tungkol sa umano’y armadong tao na kumakatok sa mga bahay sa Misamis Occidental.
“We’ll have to secure, perhaps, initial information from the regional director of PRO (Police Regional Office) 10. Rest assured such information will be communicated specifically to concerned individuals affected,” sabi ni PNP spokesperson Brigadier General Ildebrandi Usana.
The post Kasapi ng ‘killer kulto, timbog! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: