TWO weeks na ngayong hindi nagsasalita at nagpapakita sa publiko si Pangulo Rody Duterte, maliban sa biglang paglitaw sa Facebook ng kanyang mga larawan na nakatayo sa gitna ng dilim sa compound ng Palasyo na pinost ni Senador Bong Go few days ago.
Hopefully, magpakita ngayon sa publiko si Pangulo tulad ng kanyang nakagawiang pagsasagawa ng lingguhang ‘public address’ kada Lunes ng gabi.
Noong nakaraang Lunes, Abril 5, hindi nagsagawa ng public address si Pangulo, hindi rin siya nagsalita sa paggunita sa Araw ng Kagitingan that day. Tapos pumutok ang tsismis na nagkaroon ito ng mild stroke, inilipad daw sa Singapore na sinamahan daw ng kanyang unica hija na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.
Nang sumunod na dalawang araw, Miyerkoles, nag-post si Sen. Go ng larawan ni Pangulo na nakaupo sa kanyang office table sa Malakanyang, nagtatrabaho raw.
Banat ng netizens: “Nandiyan lang pala ang Pangulo… bakit ‘di manlang nagsalita tungkol sa Araw ng Kagitingan at ‘di nagsagawa ng public address?” Oo nga! Hehehe…
Tapos nitong Biyernes, nag-post uli si Sen. Go ng larawan ni Pangulong Duterte na nakatayo sa gitna ng dilim, pa-jogging jogging at nakamotorsiklo sa compound ng Palasyo.
Reak ng netizens: “Nagagawa mo palang mag-motor at mag-jogging pero hindi mo magawa magsalita manlang sa publiko na hindi na malaman kung ano ang gagawin sa pagka-gutom dahil sa panay lockdown. Palpak!”
Oo nga naman… nandiyan lang pala sa loob ng Malakanyang si Pangulong Digong eh… bakit hindi manlang magsalita kung ano na ang sitwasyon ng bansa, kung dumating na ba ang mga biniling bakuna kontra Covid-19 o naghihintay parin tayo ng donasyon ng China at World Health Organization (WHO) at kung hanggang kailan tatagal itong 2nd wave ng lockdown? Anak ng teteng…
***
Sa bibig nahuhuli ang isda, bihira lang sa buntot. Hehehe…
Sa post ni Foreign Affair Secretary Teddy “Boy” Locsin na-sabi nitong hindi puwede lumabas si Pangulong Duterte dahil baka mas masamang mangyari rito. (That means wala ito sa ayos, obyus naman…). Si Vice President Leni Robredo ang kanyang napagdiskitahan:
“Alam mo Leni hindi pwede lumabas si Pres. Duterte baka may masamang mangyari sa kanya. Pwede ikaw lang ang lumabas at okey lang na may mangyari sayo dahil hindi ka naman essential eh. Kung mamatay ka man okey lang dahil hindi ka kawalan sa bansa kasi wala ka namang nagawang matino kundi nga-nga ka lang nang nga-nga.”
Ito’y matapos naman magsalita si Robredo tungkol sa hindi nga pagpapakita sa publiko ni Pangulong Duterte: “Nakikita ko naman siya (Duterte) sa social media pero para sa akin, in crisis situations, kahit hindi presidente, kahit nga mayor, ‘pag may nangyari sa lugar mo, people wait for the mayor to be visible, to say that ‘Everything is alright. We’re on top of the situation. This is what we’re doing.’ Assurance na everything is under control.”
Tama si Robredo sa kanyang statement. Kung nagawang mag-jogging at mag-motor sa paligid ng Palasyo ni Duterte, bakit ‘di nya magawa magsalita sa publiko, magbigay manlang ng lakas ng loob sa mamamayan na nagugutom at namumuroblema na kung paano makakain ng tatlong beses isang araw, makabayad sa bill sa kuryente, tubig, at pang-upa sa bahay. Aba’y higit isang taon nang under quarantine ang Pilipinas, tapos extended na naman ang 2nd wave ng lockdown dahil sa patuloy na pagtaas ng Covid-19!
Ano ba, mga bossing???
The post Pangulo sa gitna ng dilim appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: