Facebook

P7.8m ‘damo’ sa box courier nasabat sa checkpoint

KALINGA – Umaabot sa P7.8 milyong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana na nakasilid sa isang box courier ang hindi nakalusot sa checkpoint sa Barangay Calanan, Tabuk City.
Nabisto ang istilo sa pagpuslit ng marijuana bricks na sakay sa motorsiklo ng courier na kinilalang si Michael Assudo, 35 anyos, residente ng Bgy Loccong, Tinglayan, Kalinga.
Ayon kay Police Colonek Davy Vicente Limmong, provincial director ng Kalinga Police Provincial Office, iniwasan ni Assudo ang ckekpoint at mabilis na tumakas ngunit nahabol ito ng pulisya hanggang sa Bgy. Bado Dangwa, Tabuk City.
Nang maabutan si Assudo at suriin ang ang kargang isang box ng kilalang courier company ay tumambad ang nasa 65 bricks ng marijuana na mahigit 65 kilos.
Nabatid na galing Tinglayan ang kontrabando na ide-deliver sana sa hindi pa matukoy na indibidwal.
Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya si Assudo na isinasailalim sa interogasyon habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165. (Rey Velasco)

The post P7.8m ‘damo’ sa box courier nasabat sa checkpoint appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P7.8m ‘damo’ sa box courier nasabat sa checkpoint P7.8m ‘damo’ sa box courier nasabat sa checkpoint Reviewed by misfitgympal on Abril 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.