Facebook

4 bagets mula Marikina huli sa P1m marijuana sa Mt. province

MT. PROVINCE – Arestado ang apat na kabataan mula pa sa Metro Manila na magpupuslit sana ng P1 milyong halaga ng marinuana bricks sa isang ckeckpoint sa Poblacion, Sadanga dito sa lalawigan.
Nakilala ang mga naaresto na sina Dan Mark De Los Reyes, Lorence Ignacio, Vince Robles at John Cesar Padilla na pawang nasa edad 20 anyos at mga residente ng Parang, Marikina.
Ang apat na kabataan ay lulan ng itim na Toyota Avanza na hinarang sa checkpoint ng pulisya at nakitaan ng bulto-bultong marijuana bricks.
Nakumpiska sa mga ito ang 8,250 grams ng pinatuyong dahon ng marijuana na may halagang P1 milyon kabilang ang smoking pipes na ginagamit ng mga ito habang nasa biyahe.
Nabatid na sa online o social media ibinebenta ng mga suspek ang droga.
(Rey Velasco)

The post 4 bagets mula Marikina huli sa P1m marijuana sa Mt. province appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
4 bagets mula Marikina huli sa P1m marijuana sa Mt. province 4 bagets mula Marikina huli sa P1m marijuana sa Mt. province Reviewed by misfitgympal on Abril 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.