IPINAAARESTO na ng Manila RTC Branch 42 ang isa sa mga direktor ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na si Sandra Cam.
Kaugnay ito sa kasong ‘murder’ at ‘frustrated murder’ sa pagpatay kay Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III at sa bigong pagpatay sa kasama ng bise alkalde na si Alberto Alforte IV noong 2019.
Sa ipinalabas na kautusan ni Judge Dinnah Aguilar Topacio, kabilang din sa pinapaaresto sina Marco Martin Cam; Nelson Cambaya; Junel Gomez; Bradford Solis; Juanito de Luna; at Rigor dela Cruz.
Nabatid na batay sa mga nakalap na dokumento, salaysay at mga ebidensiya, may sapat na basehan upang panagutin sa kasong murder frustrated murder si Cam at ang mga kapwa akusado.
Sa kasong frustrated murder, inatasan ng Hukom na magbayad ng P200,000 ang bawat akusado.
Ngunit sa kasong murder ay hindi bibigyan ng pagkakataon si Cam at mga akusado na makapaghain ng piyansa para sa kanilang pansamantalang paglaya. (Jocelyn Domenden/ Gina Mape)
The post NO BAIL: SANDRA CAM, 6 PA IPINAAARESTO NG KORTE SA ‘MURDER’ appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: