PINAYAGAN ng Games and Amusement Board (GAB) ang Creamline at Choco Mucho na magsagawa ng kanilang training camp sa St.Paul American School sa Clark Freeport, Pampanga.
Kinumpirma ni GAB chairman Baham Mitra ang development matapos ang dalawa ay maghain ng hiling sa regulatory agency, na ang Choco Mucho at Creamline ay magsagawa ng training sa pamamagitan ng bubble sa Pampanga, na MGCQ area.
“Considering the alarming spike in the number of Covid-19 cases, I am happy to learn that two teams of PVL have decided to stage their conditioning inside a bubble. This move is really an added safety measure,” Wika ni said Mitra.
Ang ensayo ng dalawang club ay nagsimula kahapon at matatapos sa Mayo 23 bilang paghahanda sa Premier Volleyball League season ngayon Hunyo.
Dati ng pinahintulutan ng GAB ang training para sa PVL teams pero nagpatupad ang gobyerno ng paghihigpit ngayon buwan na inilagay ang Metro Manila, Laguna,Bulacan, at Cavite sa ilalim ng ECQ.
“We gave them the initial approval to conduct conditioning in some areas in Metro Manila last March. But in order to ensure the safety of our professional athletes and sports officials, we decided to recall our initial approval,” Sambit ni Mitra.
The post GAB inaprubahan ang training bubble ng Creamline, Choco Mucho sa Clark appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: